Sakit sa puso, kanser at diabetes dahilan ng kamatayan sa mundo
MANILA, Philippines — Sakit sa puso, kanser at diabetes na tinatawag na mga ‘non-communicable diseases (NCDs)’ ang dahilan ng 74% ng pagkamatay ng tao sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa ulat ng WHO, ang health agency ng United Nations, namamatay ang nasa 41 milyong tao kada taon dahil sa NCDs, kabilang ang 17 milyon na may edad na mas mababa sa 70.
Kada dalawang segundo, dalawang tao na mas mababa sa edad na 70 ang namamatay dahil sa NCD, ayon kay WHO head Bente Mikkelsen.
Mas marami umano ang namamatay dahil sa NCDs kumpara sa mga ‘infectious diseases’, ayon sa ulat na pinamagatang “Invinsible Numbers”.
Sa kabila nito, maliit na pondo lamang umano ang inilalaan ng mga bansa para malabanan ang pagkakasakit ng NCDs.
Nakukuha umano ang NCDs sa uri ng pamumuhay o lifestyle ng tao; kabilang ang paninigarilyo, maling diet, sobrang pag-inom ng alak, kawalan ng pisikal na aktibidad, at polusyon. Hindi lang umano mayayaman ang naaapektuhan nito ngunit maging mga mahihirap din.
- Latest