'Karding' posible sagasaan Isabela, Cagayan sa Linggo — PAGASA
MANILA, Philippines (Updated 1:56 p.m.) — Nagbabadyang mag-"landfall" ang Tropical Depression Karding sa kalugaran ng Isabela o Cagayan sa mga susunod na araw habang mataas ang posibilidad na itaas ang Signal no. 1 sa Northern at Central Luzon sa Biyernes.
Bandang 11 a.m. ng Huwebes nang mamataan ang sentro ng bagyo 1,350 kilometro silangan ng Gitnang Luzon, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
- Direksyon: pasilangan
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
"On the forecast track, the tropical cyclone is forecast to maintain its westward movement until it makes landfall in the vicinity of the east coast of Isabela or Cagayan on Sunday," wika ng PAGASA.
"Afterwards, the center of KARDING will traverse the rugged terrain of Northern Luzon before emerging over the West Philippine Sea on Monday."
Bandang 8 a.m. nang ganap na maging isang bagyo si "Karding," na nakikitang mananatiling isang tropical depression sa kabuuan ng forecast period.
Ang pagdaan ng bagyo ay posibleng magdala ng malalakas na pag-ulan sa Northern at Central Luzon simula Linggo. Dahil diyan, maaaring matikman ang kalatkalat na pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga areas na susceptible sa mga naturang pangyayari.
"Current track and intensity forecast shows that there is a high likelihood that Tropical Cyclone Wind Signal #1 will be hoisted over Northern Luzon and some portions of Central Luzon," dagdag pa ng state weather bureau.
"Localities situated in the eastern portion of Northern Luzon may be placed under TCWS #1 as early as Friday evening or Saturday morning."
Maaaring magdala ng katamtaman hanggang mararahas na karagatan (1.2 hanggang 3.1 metro) sa seaboards ng hilaga at silangang seaboard ng Central Luzon simula Linggo.
Dahil diyan, nakikitang magiging peligroso ito para sa mga maliliit na sasakyang pandagat. Pinapayuhan naman ang mga marinong mag-ingat sa tuwing papalaot at patuloy na mag-abang sa mga update.
- Latest
- Trending