814 Omicron subvariants, natukoy
MANILA, Philippines — Karagdagang 814 kaso ng Omicron subvariants ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa pinakahuling genome sequencing nitong Setyembre 16-19.
Karamihan o 688 ng mga bagong kaso ay BA.5 sublineage, na tukoy na sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Pinakamaraming natukoy nito ay 126 kaso sa Metro Manila, 104 sa Western Visayas at 75 sa Cagayan Valley.
Nasa 15 impeksyon naman ng BA.4 subvariant ang natukoy sa Metro Manila, Bicol Region at Soccsksargen.
Nasa 110 impeksyon naman ang tinaguriang “other sublineages”, habang isa ang tinukoy na “other lineage”. Nasa 97 impeksyon ang tinukoy na “no lineage assigned.”
Nitong Setyembre 20, nasa 27,686 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, base sa DOH COVID-19 tracker.
- Latest