Economic recovery, food security ibibida
Marcos tumulak na pa-US
MANILA, Philippines — Lumipad na patungo sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa 77th United Nations General Assembly (UNGA).
Ang Pangulo ay nakatakdang magsalita sa UN high-level debate sa Martes, Setyembre 20, kung saan inaasahang tatalakayin niya ang nais ng administrasyon para sa economic recovery, food security, climate change, rule of law at agricultural productivity sa UNGA.
Ihahayag din umano niya ang inaasahan ng Pilipinas mula sa UN at magiging tungkulin ng bansa at magiging ambag nito para palakasin ang international relations.
Nakatakda rin siyang makipagkita sa Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center.
Tinataya na dadaluhan ng may 152 heads of states at mga opisyal ang general debate.
Dakong alas-8 kahapon ng umaga ng lumipad ang Pangulo kasama si First Lady Liza Marcos, ilang miyembro ng gabinete at mga business leader.
Dumalo sa ibinigay na departure honors sa Pangulo sa NAIA Terminal 2 sina Vice President Sara Duterte, AFP Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr.
- Latest