^

Bansa

‘Magtulungan, magmalasakit patungo sa pagbangon’ — Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil maraming Pilipino ang naapektuhan ng patuloy na pandemya, binisita ng tropa ni Senator Christopher “Bong” Go ang Esperanza, Sultan Kudarat upang tulungan ang maraming kababayan natin doon na nasa krisis.

“Kami po, bilang inyong mga lingkod bayan, palagi po kaming hangarin ay kung ano man po ang makakabuti para sa ating mga kababayan. Kaya naman ako po ay ipagpapatuloy ko lang po ang serbisyong para sa inyo,” sabi ni Go sa video message sa relief operation ng kanyang grupo.

Namahagi si Go ng tulong sa 400 mahihirap sa Barangay Saliao co­vered court. Kabilang sa mga ibinigay na tulong ay bitamina, masks, pagkain, groserya, mga bisikleta, cellular phone, sapatos, at bola para sa basketball at volleyball.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ang mga benepisyaryo na bisitahin ang pinakamalapit na Malasakit Center na matatagpuan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan kung sakaling kailanganin nila ng tulong medikal.

Sa ngayon, mayroon nang 152 Malasakit Centers sa buong bansa na nakatulong sa mahigit 7 milyong mahihirap na Pilipino.

“Patuloy po ang gobyerno, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagpapalakas ng ating pandemic recovery efforts. Pero kailangan po namin ang inyong kooperasyon para ma­kabalik na tayo sa normal na pamumuhay. Magpabakuna at magpa-booster shots na po kayo. Para naman po ito sa proteksyon ninyo lahat,” giit ng senador.

BONG GO

PANDEMYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with