Bagyong papasok ng PAR 'tropical storm na bukas,' lalakas pa pa-typhoon
MANILA, Philippines (Updated 12:05 p.m.) — Lalo pang lumakas ang bagyong namataan ng PAGASA sa silangan ng Dulong Hilagang Luzon, dahilan para posible itong maging tropical storm sa susunod na 24 oras.
Bandang 10 a.m. nang maobserbahan ang mata ng naturang bagyo 1,740 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa pinakasariwang tala ng state weather bureau.
- Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilaga
- Pagkilos: mabagal
"The tropical depression is forecast to track slowly northeastward or become almost stationary for the next 36 hours before sharply turning northwestward or west northwestward on Thursday while accelerating," wika ng state weather bureau.
"On the track forecast, it may enter the PAR region on Thursday afternoon or evening."
Bibigyan ito ng domestic name na "Josie" oras na pumasok ng PAR ang bagyo: "This tropical cyclone may intensify into tropical storm within 24 hours," dagdag pa nila.
Magkakaroon ng improving environmental conditions ang tropical cyclone ng pagkakataong lumakas pa sa mabilis na antas.
Sa kasalukuyang forecast scenario, lumalabas na papasok ito ng PAR bilang isang typhoon.
Sa kabila nito, nakikitang mananatiling malayo sa kalupaan ang tropical depression, dahilan para hindi pa nito maapektuhan nang direkta ang weather condition ng Pilipinas.
"However, it may enhance the Southwest Monsoon within the forecast period," dagdag pa ng PAGASA.
"This may bring monsoon rains over the western sections of Southern Luzon and Visayas beginning tomorrow or on Thursday."
Dahil diyan, nariyan ang posibilidad na mag-isyu ang PAGASA ng weather advisory kung sakaling maging posible ang malalakas na pag-ulan.
Typhoon Inday nakaalis na
Kanina lang nang iulat din ng state meteorologists na nakalabas na ng PAR ang Typhoon Inday at kasalukuyan nang mabagal ang paggalaw sa ibabaw ng East China Sea.
Huli itong nakita 560 kilometro hilaga hilagangsilangan ng Itbayat Batanes kaninang 4 a.m.
Nagtataglay ito kanina ng maximum sustained winds na 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at may bugso ng hangin na papalo hanggang 170 kilometro kada oras.
- Latest
- Trending