^

Bansa

DOH gusto ituloy mandatory face mask outdoors kahit ayaw na ng IATF

Philstar.com
DOH gusto ituloy mandatory face mask outdoors kahit ayaw na ng IATF
In this photo taken on August 22, 2022, parents accompany their children on their first day of face-to-face classes at the Concepcion Elementary School in Marikina.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kung ang Department of Health (DOH) ang masusunod, gusto pa rin nilang ipagpatuloy ang pagpapasuot ng facemasks sa outdoor setting kontra COVID-19 — ito kahit taliwas ito sa bagong rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Miyerkules lang nang ibahagi nina Press Secretary Trixie Cruz Angeles at Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang rekomendasyon ng IATF kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin na lang itong "optional" sa open spaces na hindi siksikan at may maayos na ventilation. 

"The position of the DOH is for us to continue on masking, but there were several data that were presented also that led to this decision," wika ng DOH sa mga reporters, Huwebes, patungkol sa IATF Resolution No. 1, s. 2022.

"We needed to balance between the health and economy, and what we have compromised would be, this will be done among low risk individuals and in low risk settings."

Una nang inilinaw ng resolusyon na isinumite pa lang kay Marcos Jr. ang mungkahi at hindi pa polisiya o executive order sa ngayon.

Pero oras na maipatupad ito, hihikayatin pa rin daw nila ang mga senior citizens at mga immunocompromised na magsuot pa rin ng face masks.

Itutulak din daw ang pagsusuot ng facemasks para sa mga bata at lalong-lalo na sa mga may sintomas ng COVID-19.

Kahapon lang nang sabihin ni Vergeire na pag-aaralin na rin ng IATF at mga eskperto ang pagkakasa ng pilot study para malaman kung kakayanin ng health sector kung pwede nang ma-lift ang indoor masking sa pagtatapos ng 2022 basta't gumanda ang bilang ng mga nagpapaturok ng booster shots sa Pilipinas.

Ayon kay Angeles, optimistiko ngayon si Bongbong sa rekomendasyon lalo na't may "direct correlation" daw ang pagtanggal ng mask mandates sa pagtaas ng turismo sa ibang mga bansa. Aniya, binabalanse kasi sa ngayon ang public health at ekonomiya.

Marami nang mga bansa sa Southeast Asia ang hindi nag-oobliga sa publiko na magsuot ng face masks laban sa COVID-19 sa open spaces, maliban na lang sa mga pampublikong transportasyon.

Sa huling ulat ng DOH, aabot na sa 3.89 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas simula noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 62,167 katao. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE MASK

IATF

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with