^

Bansa

Bagyo papasok ng PAR 'severe tropical storm' na sa loob ng 24 oras — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Bagyo papasok ng PAR 'severe tropical storm' na sa loob ng 24 oras â PAGASA
Namataan ang sentro ng tropical depression 1,525 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, Miyerkules, ayon sa state weather bureau bandang 4 a.m.
Released / PAGASA

MANILA, Philippines (Updated 12:17 p.m.) — Lalo pang lumakas at naging ganap na tropical storm ang bagyong binabantayan ng PAGASA malapit sa hangganan ng Philippine area of responsibility (PAR), bagay maaaring maging severe tropical storm sa mga susunod na oras.

Namataan ang sentro ng tropical storm 1,445 kilometro silangan ng Hilagang Luzon, Miyerkules, ayon sa state weather bureau bandang 10 a.m.

  • Lakas ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 80 kilometro kada oras
  • Direksyon: patimogkanluran
  • Bilis: 25 kilometro kada oras

"The Tropical Storm (TS) is forecast to decelerate and will move generally west southwestward or southwestward in the next 12 hours. On the track forecast, the TS may enter the PAR this afternoon or tonight," wika ng state weather bureau.

"Afterwards, a more northwestward turn may begin tonight or tomorrow early morning. It must be noted that shifts in the track forecast of this TS is likely."

Bandang 8 a.m. nang mag-intensify bilang tropical storm ang bagyo at posible pang maging severe tropical storm sa loob ng 24 oras.

Kaninang umaga lang nang sabihin ni PAGASA weather specialist Grace Castañeda na posibleng lumakas pa at maging ganap na typhoon ang bagyo sa Linggo. Tatawagin itong "Inday" pagpasok nito ng PAR.

"Based on the current forecast scenario, this tropical cyclone is unlikely to directly bring heavy rainfall and severe winds in the country," dagdag pa ng local meteorologists.

"However, it may bring moderate to rough seas over the seaboards of Extreme Northern Luzon during the weekend. Such condition may be risky for those using small seacrafts."

Inaabisuhan din ang mga marino na patuloy abangan ang weather updates ng PAGASA kaugnay nito.

INDAY

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with