^

Bansa

Senador gusto 'i-ban' sitsirya, matatamis na inumin sa eskwela

James Relativo - Philstar.com
Senador gusto 'i-ban' sitsirya, matatamis na inumin sa eskwela
Students wearing face masks and accompanied by their parents queue up in front of the school gate during the opening of classes at a school in Quezon City, suburban Manila on August 22, 2022 as millions of children in the Philippines returned to school as the academic year started on August 22, with many taking their seats in classrooms for the first time since the Covid-19 pandemic hit.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nais ipagbawal ng isang action-star-turned-senator ang mga junk food at inuming puno ng asukal sa mga eskwelahan, bagay na nakikita niyang tugon sa "lumalalang problema ng child obesity" at malnutrition sa Pilipinas habang itinutulak ang health diet sa lahat ng mag-aaral at mga guro.

Sa kanyang Senate Bill 1231, na pinamagatang Healthy Food and Beverage in Public Schools Act, layong i-ban ni Sen. Lito Lapid ang sale, distribution at promotion ng mga nabanggit sa loob ng mga pampublikong paaralan at mga tindahang 100 metro mula sa mga ito.

Sakop nito ang mga elementarya at hayskul.

"Maraming mga pag-aaral na ang nagpapakita na ang mga estudyanteng na hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon ay nahihirapang mag-pokus at matuto, na kadalasan ay humahantong sa mababang mga marka, o 'di kaya naman, ay may posibilidad na huminto sa pag-aaral," ani Lapid, Lunes, sa isang pahayag.

"Kung atin pong titiyakin na mayroong sapat akses ang mga mag-aaral sa mga pagkain na may mataas sa nutritional value, ay masisiguro natin na maitataas natin hindi lamang ang antas ng kalusugan ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang kanilang performance sa eskwelahan."

Ang palayaw na "Pinuno" ay bansag kay Lapid noong umeere pa ang Kapamilya serye na "Ang Probinsya" sa ABS-CBN, A2Z at TV5.

Wika pa niya, malaki ang papel ng pagkain nang masustansya sa pagkatuto at pag-develop ng pag-iisip. 

Aniya, ilang pag-aaral na rin daw kasi ang nagpakita na mas nahihirapan ang mga batang matuto sa paaralan sa tuwing hindi nakakukuha ng sapat na sustansya. Ilan daw sa mga nagiging resulta nito ay mabababang test scores o pag-drop out sa eskwela.

Taong 2016 lang nang i-publish sa National Library of Medicine ang isang pag-aaral na sumusuri sa dietary habits na naiuugnay sa "poor academic performance." 

Ilan sa mga inaral sa nabanggit ay ang dalas ng pagkain ng prutas, soft drinks, fast foods, instant noodles, confections, gulay at gatas at kung gaano karegular nakakakain ng agahan, tanghalian at hapunan ang nasa 359,264 batang edad 12-18 na tinipon ng Korea Youth Risk Behavior Web-based Survey (KYRBWS).

"Itong ating isinusulong na programa ay hindi lamang naglalayong bawasan ang mga kaso ng obesity at malnutrisyon sa ating bansa at mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, ito rin ay naglalayong bumuo ng magagandang mga gawi o habit na madadala nila sa kanilang pagtanda," dagdag pa ni Lapid.

Taong 2007 nang maglabas ang Department of Education ng Order no. 8 na nagbabawal sa pagbebenta ng carbonated drinks, sugar-based synthetic o artificially flavored juices, junk food atbp. Sa kabila nito, ibinebenta pa rin ang soft drinks sa maraming canteens sa mga public schools sa Kamaynilaan.

ELEMENTARY

HEALTHY DIET

HIGH SCHOOL

JUNK FOOD

LITO LAPID

PUBLIC SCHOOLS

SOFT DRINKS

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with