^

Bansa

DSWD: Educational ayuda sa binabagyong lugar, tigil muna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DSWD: Educational ayuda sa binabagyong lugar, tigil muna
Individuals, who failed to register in the educational assistance payout program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), tried to apply through a walk-in process at the DSWD Central Office in Batasan Hills, Quezon City on Saturday (September 3, 2022).
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Itinigil muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng educational assistance sa mga indigent na estudyante sa mga binabag­yong lugar partikular sa Batanes.

Ayon kay DSWD spokesman at Assistant Secretary Rommel Lopez, ito ay dahil sa patuloy na nanalasa ang Bagyong Henry sa Batanes.

Sinabi pa ni Lopez na nagkasundo ang DSWD at ang local government unit na kanselahin na muna ang pamamahagi ng ayuda doon.

Samantala, nasa 316 na payout centers ang itinayo ngayon ng DSWD.

Nasa 113 ang payout centers sa Region 7, tatlo sa National Capital Region na nasa Swadcap, Taguig; Gastambede, Manila at Nayon Kabataan sa Mandaluyong City.

Target ng DSWD na mabigyan ng ayuda ang 80,000 beneficiaries ng programa sa buong bansa.

Sa ngayon, nasa 2 milyon ang aplikante sa ayuda.

Sinabi pa ni Lopez na magtatayo ng off-site payout centers ang kanilang hanay sa mga lugar na walang internet at gadgets halimbawa na sa bahagi ng Mimaropa at Calabarzon.

Ipinaalala ni Lopez, tanging ang may mga text confirmation lamang na nagparehistro sa online ang bibigyan ng ayuda ng DSWD at bawal pa rin ang walk-in applicants.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with