^

Bansa

Bagyong 'Gardo' namuo mula sa LPA sa silangan ng Extreme Northern Luzon

Philstar.com
Bagyong 'Gardo' namuo mula sa LPA sa silangan ng Extreme Northern Luzon
Satellite image ng Tropical Depression Gardo mula sa kalawakan
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Tuluyan nang naging isang ganap na bagyo ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility sa silangan ng Extreme Northern Luzon — ito habang nagbabadya pang lumapit sa Pilipinas ang isang super typhoon.

Namataan ang Tropical Depression Gardo 1,185 kilometro silangan ng Dulong Hilagang Luzon bandang 4 p.m., Lunes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran timogkanluran
  • Bilis: 15 kilometro kada oras

Bandang 2 p.m. kanina nang maging tropical depression ang naturang bagyo, na iba pa sa Super Typhoon Hinnamnor (international name) na inaasahang papasok ng PAR bukas ng gabi.

"This tropical cyclone is forecast to intensify into tropical storm within the next 24 hours. However, the disturbance may degenerate into a remnant low by Thursday afternoon as 'HINNAMNOR' begins to assimilate its circulation," wika ng state weather bureau.

"'GARDO' is unlikely to directly affect the weather condition in the country within the forecast period.

Mababa pa rin ang tiyansa nito na direktang makaapekto sa sea conditions sa coastal waters ng bansa.

Una nang sinabi ng PAGASA maaaring magsanib pwersa ang bagyong "Gardo" kay "Hinnamnor." — James Relativo

GARDO

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with