^

Bansa

4,600 katao apektado ng bagyong 'Florita' habang libo mahigit lumikas

Philstar.com
4,600 katao apektado ng bagyong 'Florita' habang libo mahigit lumikas
Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga tindero at tindera sa paglikas ng kanilang mga produkto tulad ng luya, sibuyas, at punla ng mangga kasunod ng mabilis na pagtaas ng tubig baha sa Riverside Centro 10, Tuguegarao City, ika-13 ng Agosto, 2022
Mula sa Facebook page ng Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Libu-libo na ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Florita habang marami pa ang lumikas na papunta sa loob at labas ng mga evacuation centers.

Aabot na sa 4,646 katao na ang sinasabing nasalanta ng naturang bagyo, na ngayo'y nasa labas na ng Philippine area of responsibility, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong MIyerkules.

Narito ang breakdown ng idinulot ng bagyo:

  • apektado (4,646)
  • tinamaang baranggay (60)
  • lumikas sa loob ng evacuation centers (956)
  • lumikas sa labas ng evacuation centers (573)

Ilan sa mga napuruhang rehiyong ang Rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Martes lang nang magpaskil ang Cagayan Provincial Information Office ng video ng matinding pananalasa ng bagyong "Florita" sa kanilang lugar, dahilan para bayolenteng magsayawan ang ilang mga puno.

Makikita namang tinutulungan ng Philippine Coast Guard ang ilang tindero't tindera ng prutas sa paglikas sa gitna ng bagyo sa Tuguegarao City.

Martes lang nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok ng dalawang araw sa lahat ng mga opisina ng gobyerno at pampubliko paaralan sa Metro Manila, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan dahil din sa sama ng panahon.

Ang lahat ng ito kahit na nitong Lunes lang nagsimula ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon sa NDRRMC, aabot na sa P915,176 halaga na ng tulong ang naiaabot ng gobyerno sa Ilocos Region, Bicol at Cordillera.

"The DSWD Central Office dispatched on Monday, August 22, some 10,000 Family Food Packs (FFPs) bound for DSWD FO II, which will be allocated for the following areas: 1,600 FFPs to Provincial Social Welfare and Development Office of Quirino; 3,400 FFPs to Social Welfare and Development Isabela; and 5,000 FFPs to DSWD Warehouse in Ugac, Tuguegarao City," ayon sa Department of Social Welfare and Development kahapon. — James Relativo

EVACUATION

FLORITA

NDRRMC

PHILIPPINE COAST GUARD

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with