^

Bansa

Signal no. 1 nakataas sa 11 lugar kahit 'Florita' wala na sa PAR; typhoon na mamaya

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 1 nakataas sa 11 lugar kahit 'Florita' wala na sa PAR; typhoon na mamaya
Satellite image ng Severe Tropical Storm Florita
RAMMB

MANILA, Philippines — Patuloy na nanananalasa sa ilang bahagi ng bansa ang Severe Tropical Storm Florita kahit na nakalabas na ito ng Philippine area of responsibility, dahilan para mailagay pa rin sa storm warning signal ang ilang lugar.

Sa huling taya ng PAGASA, Miyerkules, namataan ang sentro ng bagyo 335 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan kaninang 4 a.m. 

  • Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras
  • Bugso ng hangin: hanggang 115 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran
  • Bilis: 30 kilometro kada oras

"Severe Tropical Storm FLORITA is forecast to move generally west northwestward over the West Philippine Sea towards the southern portion of China, where it is expected to make landfall tomorrow morning or early afternoon," ayon sa ulat ng state weather bureau kanina.

"It is also... forecast to re-intensify and reach typhoon category tonight."

Signal no. 1 pa rin ang sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • kanlurang bahagi ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Lasam, Santo Niño, Rizal)
  • Apayao
  • Abra
  • kanlurang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan)
  • kanlurang bahagi ng Mountain Province (Bauko, Tadian, Besao, Sagada, Sabangan, Bontoc, Sadanga)
  • hilaga at kanlurang bahagi ng Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Sablan, Tuba, Baguio City, Atok)
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union

Malalakas na hangin ang umiiral o inaasahan sa mga sumusunod na lugar sa susunod na 36 oras.

Ngayong umaga, malamang ay makaranas ng katamtaman hanggang malalakas na ulan sa Ilocos Region, Abra at Benguet.

Samantala, mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan namang mararanasan sa Cordillera Administrative Region. 

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with