^

Bansa

'Florita' sinagasaan Isabela kasabay ng paglakas nito; 5 lugar Signal No. 3 ngayon

James Relativo - Philstar.com
'Florita' sinagasaan Isabela kasabay ng paglakas nito; 5 lugar Signal No. 3 ngayon
Satellite image ng Severe Tropical Storm Florita
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sumalpok sa Maconacon, Isabela ang Severe Tropical Storm Florita (international name Ma-on) kasabay ng lalong paglakas nito habang nakataas ang Signal no. 3 sa limang lugar sa Luzon.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang mata ng bagyo sa coastal waters ng Maconacon ayon sa Aparri Doppler Weather Radar, sabi ng PAGASA ngayong Lunes.

  • Lakas ng hangin: 110 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilagangkanluran
  • Bilis: 20 kilometro kada oras

"Severe Tropical Storm 'FLORITA' made landfall over Maconacon, Isabela at 10:30 AM today," ayon sa state weather bureau kanina.

"This tropical cyclone will continue moving generally northwestward and is forecast to traverse the northern portion of Isabela and mainland Cagayan."

Matapos nito, lalabas ang bagyo sa Babuyan Channel mamayang gabi. Tinatayang lalabas ng Philippine area of Responsibility ang sama ng panahon bukas ng umaga.

Dahil sa paglakas ng naturang bagyo, itinaas ang mga sdumusunod na tropical cyclone wind signals:

Signal No. 3

  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos)
  • Apayao
  • katimugang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
  • mainland Cagayan
  • hilagangsilangang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)

Storm-force winds ang umiiral o aasahan sa mga nasabing erya sa loob ng 18 oras.

Signal No. 2

  • nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
  • nalalabing bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • hilaga at silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
  • nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur
  • hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Makakatikim naman o nakararanas na ng gale-force winds ang mga nasabing lugar sa taas sa susunod na 24 oras.

Signal No. 1

  • Batanes
  • nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
  • nalalabing bahagi ng Benguet
  • La Union
  • silangang bahagi ng Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City)
  • hilagangsilangang bahagi ng Tarlac (San Manuel, Anao)
  • Nueva Ecija
  • nalalabing bahagi ng Aurora

Malalakas na hangin naman ang meron at paparating sa mga lugar sa itaas sa loob ng 36 oras.

"Heavy to intense with at times torrential rains over Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, and Bataan. Moderate to heavy with at times intense rains over the northern portion of Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, and the rest of Cagayan Valley," sabi pa ng PAGASA.

"Light to moderate with at times heavy rains over the rest of Central Luzon and the rest of CALABARZON."

Sa forecast track ng ahensya, sinasabing lalabas ng Philippime area of responsibility ang bagyo Miyerkules ng umaga.

Samantala, posibleng pahinain ng "frictional effects" na matagtag na terain ng Northern Luzon. Oras na dumating sa West Philippine Sea, maaari uli itong lumakas.

Kasalukuyang walang pasok sa ilang mga eskwelahan at trabaho dahil sa bagyo, na kakasimula lang ng face-to-face classes nitong Lunes.

Aabot na sa 543 katao ang sumailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyo mula sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kanina.

FLORITA

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with