^

Bansa

Ika-4 na monkeypox case nakita sa 25-anyos na Pinoy na 'walang travel history'

Philstar.com
Ika-4 na monkeypox case nakita sa 25-anyos na Pinoy na 'walang travel history'
A doctor checks on a patient with sores caused by a monkeypox infection in the isolation area for monkeypox patients at the Arzobispo Loayza hospital, in Lima on August 16, 2022. Nearly 28,000 cases have been confirmed worldwide in the last three months and the first deaths are starting to be recorded.
AFP/Ernesto Benavides

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na natagpuan na ang ikaapat na kaso ng kinatatakutang monkeypox virus sa Pilipinas — ito kahit na wala siyang kasaysayan ng pagpunta sa bansang meron ng nakamamatay na sakit.

Ito ang sinabi ng DOH ilang araw matapos iulat ang ikalawa at ikatlong kaso ng monkeypox sa Pilipinas. Bago ang ikaapat na kaso, lahat ng monkeypox cases na nakapasok ng Pilipinas ay pumunta sa bansang meron ng nasabing karamdaman.

"The fourth case is a 25-year-old Filipino national with no documented travel history to or from any country with documented confirmed cases of Monkeypox," ayon sa pahayag ng DOH, Lunes.

"The case was tested and confirmed positive for Monkeypox via real time Polymerase Chain Reaction or PCR by the DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM), with results released August 19, 2022. The case is being cared for and is admitted in an isolation facility."

Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng intensive case investigation at contact tracing, ayon pa sa gobyerno. Aabot na sa 14 close contacts kaugnay nito ang natukoy:

  • nasa isolation facility (1)
  • nasa quarantine (6)

Isa sa mga close contacts ay sinasabing healthcare worker na nakasuot ng kumpletong personal protection equipment noong panahong kumunsulta ang kaso. Nagse-self monitor saiya ngayon

"Details of the other six are being verified," sabi pa ng DOH.

Lahat ng kaso ng monkeypox sa Pilipinas ay walang kaugnayan sa isa't isa. Ang una ay gumaling na noong ika-6 ng Agosto habang ang ikalawa at ikatlo ay stable naman ang kondisyon sa home isolation.

Hindi STD

Muli namang ipinaalala ng DOH na hindi kinukunsiderang sexually transmitted disease ang monkeypox, ngunit naililipat sa pamamagitan ng matagal na physical contact. Isa sa mga pagdikit na 'yan ay sexual contact sa mga may rashes o sugat.

Hindi ito tulad ng COVID-19 na kumakalat sa hangin. Dagdag pa nila, kadalasa'y "mild" ang sintomas ng monkeypox at bibihirang makamatay — pero nangyayari pa rin.

Ilan sa pwedeng gawin para makaiwas dito ay ang:

  • pag-iwas sa matagal na physical contact sa suspected cases (lalo na 'yung may rashes o skin lesions)
  • pananatiling malinis ng kamay
  • pagsusuot ng face mask
  • pagtatakip ng ubo gamit ang siko
  • pagpili ng mga lugar na may magandang airflow

"Ating tandaan na magkaiba ang Monkeypox at COVID-19. Ang Monkeypox ay kumakalat kapag nadikit sa balat ng may sakit na ito na siyang nakikitaang may mga butlig, o kaya sa kagamitan na nahawakan ng may sakit," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

"Kung nakararanas ng lagnat, pamamaga ng kulani, at mga butlig sa balat, agad na kumonsulta sa pagamutan." — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with