^

Bansa

'Ligtas, payapa sa ngayon': DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos 2 taon

James Relativo - Philstar.com
'Ligtas, payapa sa ngayon': DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos 2 taon
Makikitang nagtitipon ang mga estudyanteng ito sa Dinalupihan, Bataan sa pagbabalik ng face-to-face classes ngayong araw, ika-22 ng Agosto, 2022, Lunes
Mula sa Facebook page ng Department of Education

MANILA, Philippines — Wala pang mga mayor na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges," wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa, Lunes, sa panayam ng GMA News.

"Mukhang mapayapa at ligtas ang pagbabalik eskwela ng ating mga learners this morning."

Patuloy naman daw minamanmanan ng regional directors ng DepEd ang sitwasyon sa mga eskwelahan sa buong Pilipinas sa ngayon.

Biyernes nang sabihin ni Poa na aabot sa 24,765 o 46% ng mga pribado at pampublikong paaralan ang magpapatupad ng in-person classes ng limang araw habang 29,721 eskwelahan naman o 51.8% ang magpapatuloy sa blended learning modality.

Batay sa datos ng DepEd, umabot sa mahigit 27.6 milyon ang nag-enroll sa mg paaralan ngayong school year 2022-2023.

Kapansin-pansing mas mataas ang nagparehistro sa mga eskwelahan ngayong taon kumpara sa 23.9 milyon noong nakaraang taon. Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito kaysa sa 28.6 milyon na target ng DepEd.

Makikitang nakasuot ng face masks ang mga bata sa mga larawang ipinaskil ng kagawaran sa social media ngayong araw. 

Kabilang na rito ang ilang paaralan sa Calapan, Dinalupihan sa probinsya ng Bataan, Caloocan City at Muntinlupa City.

 

 

 

 

Balik-Eskwela checklist inilabas, HB 251 ipinapapasa

Upang matulungan ang mga estudyante na matasa ang pagbubukas ng mga klase at kaledad ng edukasyon sa gitna ng pandemya, naglabas naman ang Kabataan party-list at National Union of Students of the Philippines (NUSP) ng isang checklist na pwedeng sagutan ng mga bata.

"This will serve as a tool to objectively measure readiness of schools for a safe reopening based on scientific and internationally recognized standards laid down in House Bill 251 or the Safe School Reopening Bill," wika ng Kabataan party-list sa isang pahayag.

"Findings will be collated by the end of the week and such data will be used as basis to lobby for the Safe School Reopening Bill, Student Aid Bill and a higher education budget. For safe school reopening alone a calculated 122.4 billion pesos is needed at least."

Ilan sa mga itinatanong ay kung may sapat na bentilasyon ang mga pasilidad, kung may klinika at nurse na nagpapatakbo nito, kung may nagpapatupad ng wastong health protocols atbp.

Una nang sinabi ng grupo ng kabataan na kakailanganin ng P184-bilyong karagdagang pondo upang masiguro ang 100% implementasyon ng ligtas at inclusive na F2F classes.

Natataon ang muling panawagan para sa pagpapasa ng HB 251 ngayong inilabas na ang mungkahing P5.268 trilyong national budget para sa 2023. — may mga ulat mula kay Janvic Mateo

DEPARTMENT OF EDUCATION

FACE TO FACE CLASSES

KABATAAN PARTY-LIST

NATIONAL UNION OF STUDENTS OF THE PHILIPPINES

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with