^

Bansa

Signal no. 2 itinaas sa 4 sa lugar ngayong 'Florita' tropical storm na

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 2 itinaas sa 4 sa lugar ngayong 'Florita' tropical storm na
Satellite image ng Tropical Depression "Florita"
RAMMB

MANILA, Philippines (Updated 2:32 p.m.) — Lalong tumindi ang bagyong ‘Florita’ at ngayo'y isang tropical storm na, ito habang kumikilos ito pakanluran timogkanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon 215 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, ayon sa huling taya ng PAGASA bandang 10 a.m, Lunes.

  • Lakas ng hangin: 75 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: 90 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran timogkanluran

Bilang epekto ng bagyo, nakararanas o makararanas ng "gale force winds" sa mga sumusunod na lugar sa susunod na 24 oras:

Signal no. 2

  • silangang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
  • silangang bahagi ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue)
  • dulong hilaga ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
  • hilagang silangang bahagi ng Quirino (Maddela)

Makararanas o nakararanas ng ng malalakas na hangin sa mga sumusunod na lugar sa susunod na 36 oras:

Signal no. 1

  • nalalabing bahagi ng Cagayan
  • nalalabing bahagi ng Isabela
  • nalalabing bahagi ng Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Benguet
  • La Union
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
  • hilagang bahagi ng Polillo Island (Panukulan, Burdeos)

Maaasahan ngayong Lunes ang mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Batanes, Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, and La Union.

Sa Martes, posible naman ang malalakas hanggang matitindi at minsanang "torrential rains" sa  Cagayan, Isabela, Batanes, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.

Katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan naman sa hilagang parte ng Aurora, Zambales, Bataan, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley. Light to moderate with at times heavy rains naman bukas sa Central Luzon.

'Landfall sa Cagayan o Isabela'

Nakikitang patuloy na kikilos ang bagyong ‘Florita’ kanluran timogkanluran o pakanluran sa susunod na 12 oras bagyo pumihit papuntang kanluran hilagangkanluran o hilagangkanluran ngayong hapon o gabi.

"[T]he tropical cyclone is forecast to maintain this heading until it makes landfall in the vicinity of the east coast of Cagayan or northern Isabela on tomorrow afternoon," dagdag pa ng PAGASA.

"Afterwards, the center of FLORITA will traverse the Babuyan Channel and may pass close or make landfall in the vicinity of Babuyan Islands tomorrow evening or Wednesday early morning of Wednesday before emerging over the West Philippine Sea."

Inaasahan pa ang posibleng paglakas ng bagyo bago ito tuluyang tumama sa kalupaan.

Sa kabila nito, pwede itong humina nang bahagya sa pagtawid nito sa hilagang bahagi ng Northern Luzon dahil sa "frictional effects" ng rugged terrain.

Malaki ang posibilidad na manatili itong tropical storm habang nasa lupa pa at titindi pa sa pagiging severe tropical storm paglabas nito sa Philippine area of responsibility.

FLORITAPH

LANDFALL

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with