^

Bansa

Ayuda ng DSWD sa mga estudyante, pinuri

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri at pinasalama­tan ni Benguet Congressman Eric Yap ang pagsusumikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas marami pang Pinoy at mga estudyante na nangangailangan na mapagkalooban ng kaukulang tulong.

Ayon kay Cong. Yap, sa unang araw pa lamang ng pagbibigay ng ayuda ay maraming mag-aaral na ang nabigyan ng DSWD ng Educational Assistance para sa mga indigent students nitong Sabado.

Sinabi ni Rep. Yap, sa nakalipas na maraming taon na ipinatutupad ng DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ay halos hindi ito batid ng mamamayan pero ngayon ay isinapubliko ni DSWD Sec. Erwin Tulfo upang makatulong sa mas maraming disadvantaged individuals na mag-aaral.

Ani Yap, kinilala ng DSWD ang pangangailangan ng tulong ng mga mag-aaral na agarang tinugunan ni Sec.Tulfo.

Ipinaliwanag pa ni Rep. Yap na ang naganap sa payout ng DSWD nitong Sabado ay nagpapakita kung gaano karaming mga indigent students ang nangangailangan ng educational cash aid.

AICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with