^

Bansa

Dengue sa bansa tuloy sa pagsipa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy sa pagtaas ang kaso ng dengue sa bansa matapos makapagtala ng mahigit 23,000 noong Hulyo 2022.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, mula Hulyo 3-30, 2022, may kabuuang 23,414 kaso ng dengue ang naiulat sa buong bansa.

“Out of these 23,414 dengue cases, 18,208 were hospitalized. This is 78 percent of the dengue cases that were admitted in hospitals,” ani Vergeire.

Lumabas sa ulat na ang may pinakamataas na kaso  ay ang Central Luzon (5,838, 25%), National Capital Region (2,689, 11%) at Calabarzon (2,369, 10%).

Nauna ring sinabi ng DOH na 9 sa 17 rehiyon ang lumampas na rin sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo. Ito ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, at Metro Manila.

Habang wala pa umanong available na bakuna, mabuting ipagpatuloy at sanayin ang pagsasagawa ng 4S strategy. Ito ay kumakatawan sa Search and Destroy breeding places; Secure na proteksyon sa sarili; Humingi ng maagang konsultasyon; at Suportahan ang fogging/spraying sa mga hotspot areas.

MARIA ROSARIO VERGEIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with