^

Bansa

Customs ni-raid 'hoarders' ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga

James Relativo - Philstar.com
Customs ni-raid 'hoarders' ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga
Sacks of imported sugar, which were suspected to be hoarded from Thailand, stockpiled inside the warehouse.
BOC - Public Information and Assistance Division (BOC-PIAD)

MANILA, Philippines — Libu-libong sako ng hinihinalang hino-hoard na asukal ang nasabat sa isang warehouse sa San Fernando City, Pampanga sa gitna ng reklamo ng mga konsumer ng nagtataasang presyo nito sa merkado.

Huwebes nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Customs ang Lison Building, kung saan naroon ang New Public Market, sa barangay Del Pilar sa utos ni Executive Secretary Victor Rodriguez mula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una nang sinabi ni Marcos Jr. na kailangang gamitin ng Customs ang visitorial powers nito sa lahat ng customs bonded warehouses para masilip ang imbentaryo ng mga imported agricultural products sa layuning malaman kung merong nag-iimbak ng asukal.

"The BoC’s Pampanga sugar warehouse raid may very well serve as a warning to unscrupulous traders who are currently hoarding their stocks of sugar in order to profit from the current artificial sugar shortage situation," ani Rodriguez.

Ang hinihinalang hoarded na sako ng bigas ay sinasabing nagmula sa Thailand. Nasabat din ng BOC agents ang daan-daang sako ng bigas na siyang nakita sa loob ng ilang delivery vans.

Kung mapatunayang smuggled ang mga sako ng asukal mula Thailand, haharap sa kaso kaugnay ng Customs Modernization Act ang mga may ari ng warehouse.

Nangyayari ito ngayong sumirit na sa P100 kada kilo ang presyo ng refined sugar, ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture kahapon. P75 kada kilo naman ang "washed" sugar habang P70 naman ito para sa brown sugar.

Isang Chinese-Filipino warehouse keeper na nagngangalang Jimmy Ng ang nakatanggap ng letter of authority at mission order mula sa Customs agents, na siyang nakakita rin ng ilang imported items gaya ng corn starch mula Tsina, ilang sako ng imported na harina, plastic products, langis mula sa plastic barrels, piyesa ng mororsiklo at gulong ng ilang brands, helmets, LED television sets at pintura.

Una nang sinabi ni Rodriguez na iniimbestigahan nila ang ulat na ang importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal ay "itinutulak nang husto" ng mga traders para magamit na palusot sa paglalabas nito. Hindi pa raw ito mailabas dahil sa mapapababa nito ang presyo ng asukal sa merkado.

Ilan sa mga ulat na nakarating kay Rodriguez ang nagsasabing magreresulta sa "windfall profits" para sa mga trader ng halos P300 milyon ang malaking importasyon ng askukal, ang bahay nito'y diumano'y lobby money.

Huwebes lang nang makiusap si Sen. Risa Hontiveros kay Bongbong na tugunan ang malalang problema ng DA at magtalaga na ng panibagong kalihim sa gitna ng kaguluhan sa importasyon ng asukal.

Kasalukuyang si Marcos Jr. kasi ang namumuno sa DA ngayon habang wala pang secretary ang kagawaran. 

BONGBONG MARCOS

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HOARDING

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with