Senate probe sa sugar importation, overpriced laptops kasado na
MANILA, Philippines — Itinakda na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon kaugnay sa naharang na importasyon ng asukal at sa pagbili ng overpriced na laptop para sa mga public school teachers.
Sa organizational meeting ng komite. napagkasunduan ng mga senador na dinggin ?sa Agosto 23 ang imbestigasyon sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration na pumirma sa pag-angkat ng asukal.
Habang ?sa Agosto 25 ang pagdinig sa pagbili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ng umano’y overpriced at outdated na laptop na ipapamahagi sa mga pampublikong guro ng DepEd.
Bukod sa mga nabanggit , iimbestigahan na rin ng Blue Ribbon Committee ang umano’y ‘undue payment’ na ibinigay ng Land Transportation Office (LTO) sa isang joint venture na may kinalaman sa P3.19 bilyong Road IT Infrastructure project.
Ang imbestigasyon ay base sa inihaing resolusyon ni Senate Minority leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel kung saan base sa Commission on Audit (COA) report sinasabi nito na nagbayad ng walang legal na basehan ang LTO sa dayuhang information technology (IT) provider na Dermalog sa kabila ng hindi kumpletong paglipat ng deliverables para sa nasabing proyekto.
Nangako naman si Sen. Francis Tolentino, chairman ng Blue Ribbon na hindi magiging ‘political circus’ ang isasagawang pagdinig.
Giit ni Tolentino, ang imbestigasyon ay hindi para sa “witch hunt’ o sa ‘fishing expedition’ kundi malaman ang katotohanan kahit sino pa ang masaktan at gagawin nila kung ano ang tama.
- Latest