Lalaki isinugod sa ospital nang mahagip ng LRT-1 train sa Caloocan
MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong umaga matapos ang isang insidente na nagresulta sa pagkakasugod sa ospital ng isang lalaki.
Sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) — ang pribadong operator ng LRT-1 — 4:40 a.m. nang biglang lumundag sa riles ang isang lalaking pasahero habang papalapit ang tren sa Monumento Station (northbound).
Agad naman daw rumesponde ang operations and security teams ng kumpanya nang mangyari ito.
"Upon seeing that the male passenger was conscious, the LRMC team together with the Caloocan local government unit pulled out the passenger from the tracks and brought him to the nearby Caloocan Hospital for medical examination and treatment," ayon sa pahayag ng LRMC, Miyerkules.
"As part of regular protocols, LRT-1 operations were limited from Baclaran to Blumentritt (vice versa) only to give way to the necessary incident response."
Bandang 5:59 a.m. na nang maging operational ang lahat ng 19 istasyon ng LRT-1.
Update as of 5:59AM: LRT-1 is now operational in all 19 stations. Salamat sa pagunawa at ingat po sa biyahe!
— Light Rail Manila Corporation (@officialLRT1) August 16, 2022
"As LRMC remains steadfast in providing a safe and reliable transportation, we appeal to the riding public to follow the rules and regulations implemented by LRT-1 premises," dagdag ng kumpanya.
"We reserve the right to deny entry to individuals who pose safety and security risk." — James Relativo
Maaaring maabot ang National Center for Mental Health crisis hotline sa numerong 0917-899 8727 o 989-8727.
- Latest