Traffic violations, bumaba sa mga lugar sa Quezon City na may NCAP
MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng traffic violations sa mga lugar na sakop ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa Quezon City.
Ayon kay Assistant City Atty. Carlo Austria, na nangangasiwa ng NCAP sa QC, mayroon silang naitalang 80 percent reduction sa traffic violations sa mga lugar na sakop ng NCAP.
“For us, the 80 percent speaks for itself. Our streets became safer… just because of the knowledge of people that they will probably be apprehended if they make a traffic violation,” pahayag ni Austria.
Sa tala ng QC LGU, mayroong mahigit 11,000 traffic violations ang kanilang naitala wala pang isang buwan makaraang maipatupad ang NCAP sa QC noong July 1.
Karamihan sa paglabag ay disobedience to traffic control signals.
Una nang pinahihinto ng Land Transportation Office (LTO) ang NCAP implementation ng mga LGU dahil sa iba umanong pagkakamali sa polisiya. Nirereklamo ng mga car owners sa LTO kung bakit sila ang magbabayad ng NCAP penalty na dapat ay ang driver ng sasakyan.
Ayon kay Austria, tuloy at hindi pa ihihinto ng QC LGU ang NCAP implementation sa lungsod hanggang hindi pa nareresolba ng LTO at iba pang LGUs ang bagay na ito.
- Latest