^

Bansa

P7-B 'questionable releases' ng CHED agency pinaiimbestigahan ni Hontiveros

Philstar.com
P7-B 'questionable releases' ng CHED agency pinaiimbestigahan ni Hontiveros
This January 2022 photo from the CHED Facebook page shows the commission's office in Quezon City.
CHED Facebook page

MANILA, Philippines — Nananawagan ngayon ng Senate probe si Sen. Risa Hontiveros sa implementawsyon ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST), bagay na nakikitaan daw ngayon ng "anomalya."

Sa inihaing Senate Resolution 128, tinukoy ni Hontiveros ang report ng Commission on Audit na nagkaroon ang UniFAST ng P3.4 bilyong halaga ng delayed at non-submissions  ng billings at dokumento sa state universities and colleges (SUCs) at local universities (LUCs) and colleges. 

Ang ilang submissions ay delayed na nang hanggang tatlong taon habang ang iba naman ay walang record ng billing.

Inihayag din ng resolusyon na gumawa ang UniFAST ng P824 milyong halaga ng payments sa SUCs at LUCs nang walang opisyal na resibo.

"UniFAST is supposed to be the answer to the gap in education for millions of underprivileged youth. And yet the program is stained with suspicious overpayments and double reimbursements," ani Hontiveros ngayong Huwebes sa isang pahayag.

"Dapat todo-bantay tayo sa budget natin dito lalo na sa panahon na maraming nahihirapan magbayad ng tuition. This could be just the tip of the iceberg of dubious practices in CHED-UniFAST."

Ang UniFAST ay isang attached agency sa ilalim ng CHED na nakatakdang magpatupad ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act — batas na nagbibigay ng libreng tuition and other school frees sa SUCs at LUCs.

Kasama rin sa halos P7-bilyong na-flag ng COA ay ang:

  • P26.6 milyong reimbursements ng "doubtful validity of tuition and school fees" sa University of Science and Technology of Southern Philippines
  • duplicate entries ng mga benepisyaryo sa billings ng P141,550.00
  • P1 bilyong unimplemented at unreverted funds para sa student loan program
  • P1.003 bilyong delayed release ng financial benefits
  • P4.43 milyong double scholarship grants
  • P200 milyong halaga ng unutilized allotments para sa tertiary education subsidy

Lumabas din sa resolusyon ang diumano'y overpayment ng UniFAST ng P131 milyon sa ilang SUCs at P251 milyon sa nasubsidyuhan nang LUCs na siyang "paglabag" daw sa RA 10931.

"Nakaka-alarma na naglabas sila ng ganyang kalaking pera na walang tamang dokumento. Walang kahit anong ebidensya na kailangan ng agency magbayad, at walang ebidensya na binayaran nila. Nakakapagtaka. Surely recklessness at this level of billions of pesos is not acceptable for a government agency," saad pa ni Hontiveros.

"Lilinawin natin kung saan at sino ang nagkulang. It is our responsibility in Congress to guard against leakages that waste important resources needed by our schools and students."

Dagdag pa ng senadora, nakagugulat na hindi pinag-ingatan ang bilyung-bilyong perang ito kahit na nalulugmok sa krisis ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Hinihingian ng Philstar.com ng pahayag dito sa CHED chairperson Prospero de Vera hinggil sa isyu ngunit hindi pa rin tumutugon hanggang ngayon.

Kamakailan lang nang sabihin din ng COA na bigo ang CHED na ipatupad ang nasa P1.96 bilyong halaga ng proyekto sa ilalim ng Smart Campus Development Program (SCDP), bagay na layong i-equip ang SUCs ng sapat na teknolohiya para sa pagpapatupad ng flexible learning modalities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

COMMISSION ON AUDIT

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

LOCAL UNIVERSITIES AND COLLEGES

RISA HONTIVEROS

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with