^

Bansa

Ex-VP candidate si Walden Bello nagpiyansa nang maaresto sa cyberlibel

James Relativo - Philstar.com
Ex-VP candidate si Walden Bello nagpiyansa nang maaresto sa cyberlibel
Makikitang iniinterbyu ng media si Walden Bello matapos arestuhin para sa reklamong cyber libel, ika-8 ng Agosto, 2022
Mula sa kampo ni Walden Bello, Laban ng Masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang nakalaya ang aktibista at dating kandidato sa pagkabise presidente na si Walden Bello matapos magbayad ng piyansa nang maaretso ng mga otoridad dahil sa kasong inihain ng empleyadong nasa ilalim ni Bise Presidente Sara Duterte.

Lunes nang hainan ng warrant of arrest ng Quezon City police si Bello kaugnay ng kasong cyberlibel ng dating dating Davao City information officer na si Jefry Tupas, na kasalukuyang nagtratrabaho na sa Office of the Vice President.

Nagmula ang reklamo ni Tupas sa paratang ni Bello na gumagamit at tulak ng droga ang una. Matatandaang sinisante si Tupas ni noo'y Davao City Mayor Sara Duterte matapos mag-attend ng isang party kung saan P1.5 milyong halaga ng droga ang nakumpiska.

Nangyari ito habang naglulunsad si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng "madugong war on drugs." Si Digong ay tatay ni Sara Duterte.

"If Davao City is so 'multi-awarded,' why is it that... Mayor Duterte's Press Information Officer Jefry Tupas was nabbed at a beach party where she and her friends were snorting P1.5 million worth of drugs on November 6, 2021?" wika noon ni Bello dahil sa hindi pagdalo ni Duterte-Carpio sa CNN vice presidential debates.

"That she did not know she was sheltering a drug dealer is not credible."

 

 

Depensa ni Espiritu, na noo'y dating senatorial candidate nina ex-presidential candidate Leody de Guzman at Bello, komentaryo lamang sa drug raid ang binanggit ni Walden. Nabalita kasing ni-release din si Tupas matapos salakayin ang party na kanyang pinuntahan.

"Si Walden ay nagkokomentaryo lamang sa lumabas na report na si Tupas ay isa sa mga nadakip ng PDEA sa isang raid sa Davao de Oro noong Nobyembre 2021 subalit pinakawalan din ng kapulisan," wika ni Espiritu kahapon.

"Ang insidenteng ito ay nagbungsod sa tanong na sa kabila ng pinapangalandakan ng ama ni Sara Duterte na siya ay galit sa droga, bakit nasasangkot sa isyung droga ang mismong malapit kay Meyor Sara Duterte at bakit nangyayari ito sa mismong balwarte ng mga Duterte."

Una nang kinundena ng Laban ng Masa, grupo kung saan chairperson si Bello, ang nangyaring pag-aresto. Anila, "obvious" namang state-sponsored persecution ito at pangsisikip sa karapatan sa pagpapahayag ng damdamin.

Dagdag pa nila, "proxy harassment" lang ito kay Bello mismo ni VP Sara Duterte.

Humaharap si Bello sa dalawang charges. Ang kanyang piyansa ay nagkakahalaga ng P48,000 kada isa.

Kanina lang nang itanggi ni Vice President Duterte na may kinalaman siya sa pagpapakulong kay Bello.

Suporta mula sa mga dating karibal

Nakakuha naman ng suporta mula sa Kilusang Mayo Uno si Bello, kahit na kilalang magkatunggali ang magkabilang panig ng Kaliwa lalo na noong panahon ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

"I strongly condemn the arrest of Walden Bello. His arrest is a clear weaponization of the law and a blatant attack against the opposition," ani KMU chairperson Elmer "Ka Bong" Labog kanina.

"Marcos-Duterte 2.0 continue the legacy of political harassment and  persecution as a way to deal with its critics and dissent.""All freedom loving Filipino should stand united and fight against all attacks against our democracy. Free Walden Bello! Stop the Attacks!"

Bagama't magkaiba ang suri sa lipunan, parehong kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Walden at ang KMU.

Kaugnay niyan, makailang-ulit nang nagkakasama ang Pambansa-Demokratikong Kaliwa at panig nina Walden sa ilang laban kasama si dating presidential candidate Leody de Guzman.

CYBER LIBEL

DAVAO CITY

SARA DUTERTE

WALDEN BELLO

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with