^

Bansa

Baguhang Pinoy film maker humakot ng 2 international filmfest award

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inuwi sa Pilipinas ng isang baguhang Pinoy Film Director ang dalawang major films awards mula sa dalawang international festival na idinaos sa bansang India.

Sa libu-libong mga movie entry sa buong bansa ay nasungkit ni Pinoy Director Jeremiah P. Palma ng pelikula niyang “UMBRA” ang dalawang best Director Award sa magkaibang international film festival.

Isa na dito ang Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India.

Sa naturang festival ay lumahok si Director Palma na siya ring Director in-charge ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division na kung saan ay nasungkit niya ang pangaral noong Hulyo 24 ng taong kasalukuyan sa kanyang pelikulang “ UMBRA”.

Nauna dito sa parangal na ito ay nanalo rin siyang Best Director sa parehong pelikula sa Venus International Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

Ang 2 international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Filipino at magbubukas ito ng dagdag na oportunidad para sa industriya ng film industry.

FILM DIRECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with