Panukalang doblehin sa P1K pensyon ng indigent seniors batas na
MANILA, Philippines — Isa nang ganap na batas ang panukalang layong itaas mula P500 sa P1,000 ang buwanang pensyon ng “indigent senior citizens” o mga nakatatandang nasa laylayan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ngayong Martes.
"Happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens," tweet ni Villanueva kalakip ang litrato ng liham ng Malacañang na may lagda ni Executive Secretary Victor Rodriguez.
happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens ???? praise God! thank you thank you!!! pic.twitter.com/fsvKsClhOH
— Joel Villanueva (@senatorjoelv) August 2, 2022
Bukod sa pagtaas ng buwanang pensyon ng mga indigent senior citizen, ang batas ay nagbibigay din ng opsyon maliban sa cash payout upang maabot ng pensyon ang target na benepisyaryo. Batay sa ulat ng GMA News, ang bayad sa transaksyon, kung mayroon man, ay hindi sisingilin sa benepisyaryo.
Dagdag pa rito, itinalaga rin ng naturang batas ang National Commission of Senior Citizens bilang tagapamahagi at pamahala ng social pension para sa mga nakatatanda na siya dating gawain ng Department of Social Welfare and Development.
Nito lamang Mayo nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang iminungkahing panukalang batas na layong itaas ang social pension ng mga senior citizen na nasa laylayan.
Pagtaas ng pensyon 'long overdue' na
Kaugnay ng pagsasabatas ng naturang panukala, sinabi ng militante at progresibong grupong Bayan Muna na “long overdue” na ang aksyong ito ng Senado.
Ani Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na siya punong may-akda ng panukala sa Kamara noong 18th Congress, "compromised version" na ang naisabatas na panukala at kulang din ito.
Aniya, dapat pa kasing palawakin ang saklaw ng mga senior citizen na maaaring makinabang sa naturang benepisyo.
"The Senate version adopted by the House of Representatives to expedite its approval still contained the discriminatory provision requiring that an elderly should be weak, sick or disabled before one can be considered an indigent senior citizen to qualify for the pension," sambit ng dating House minority leader.
"[B]ayan Muna fought hard since the 16th Congress, not only to increase the social pension to Php 1,000/month, but also to eliminate many of the disqualifications. Pag at least 60 years old ka na, dapat bigyan ka ng Php 1,000 piso kada buwan, wala nang kung anupang requirement," giit pa ni Zarate. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest