^

Bansa

DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa 'sexual contact,' pero hindi STD

Philstar.com
DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa 'sexual contact,' pero hindi STD
A health worker walks inside an isolation ward built as a precautionary measure for the monkeypox patients at a civil hospital in Ahmedabad on July 25, 2022.
AFP/Sam Panthaky

MANILA, Philippines — Tinatayang 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

Pero inilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.

"Hindi [s]iya classified as a sexually transmitted disease. Although ngayong nag-evolve na itong [m]onkeypox virus, maaari na itong makuha sa sexual contact,” pagbibigay-diin niya sa isang panayam sa radyo.
 
“Actually, 95% of cases right now globally are through sexual contact nakuha,” pagpapatuloy niya.

Biyernes nang kumpirmahin ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho na natukoy na sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox sa isang 31-anyos na Pinoy na nanggaling sa ibang bansa.

Sambit ni Vergeire, may mga nasawi na dahil sa monkeypox at maaaring mas bulnerable rito ang mga immunocompromised, mga buntis at mga senior citizen.

"[K]apag ‘yung tinamaan ay immunocompromised individuals, mababa ‘yung kanilang panlaban sa sakit. Katulad ng mga buntis, maaari ring maging vulnerable sila, katulad ng mga kabataan, and of course, ‘yung mga nakakatanda na marami nang comorbidities,” sambit niya.

Una nang sinabi ng World Health Organization na maaaring kumalat ang monkeypox sa pamamagitanng skin-to-skin contact tulad ng pakikipagtalik, pakikipaghalikan at paghawak sa indibiwal na may sintomas ng naturang sakit.

‘COVID-19 mas malala pa rin sa Monkeypox’

Samantala, sinabi ni infectious disease at vaccine expert na si Dr. Rontgene Solante na mas mapanganib pa rin ang COVID-19 kumpara sa monkeypox dahil gumagaling aniya sa loob ng  21 hanggang 28 days ang mga tinatamaan ng viral infetion na madalas makuha sa skin-to-skin contact.

“Malayo talaga in terms of mortality. Mas delikado ang COVID-19 compared to monkeypox. [I]n general, this is a less severe type of infection compared to COVID-19," sambit niya sa isang panayam ngayong Lunes.

Ang Pinoy na tinamaan ng monkeypox ay sinasabing nagpositibo sa nasabing sakit noong ika-28 ng Hulyo.  

Una nang humarap sa kontrobersiya ang TV host na si Kim Atienza matapos sabihing naipapasa ang monkeypox sa pagitan ng pakikipagtalik, "kadalasan sa mga pagitan ng mga lalaki at kapwa lalaki."

Umani ng batikos si Kuya Kim matapos itong makita bilang homophobic comment lalo na't pwede rin namang maipasa ang monkeypox sa pagitan ng lahat ng kasarian. Humingi na siya ng tawad matapos nito. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with