^

Bansa

Malaki ang pinsala sa kalsada, kabahayan, mga simbahan, heritage site dahil sa lindol

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki umano ang naging pinsala ng mga pangunahing lansangan, mga simbahan at ­heritage site sa Ilocos Norte, Ilocos Sur gayundin sa Cagayan at  Kalinga dahil sa malakas na lindol.

Ito naman ang nabatid kay  Senador Imee Marcos sa pakikipag ugnayan niya sa anak na si Ilocos Norte Governor Mathew Manotoc at sa mga go­bernador at kongresista sa mga lalawigan.

Siniguro naman ni Sen. Imee na magtutungo sa kanilang home province at sa ibang mga lugar na nilindol ang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Maging ang Senador ay kaagad namang kumuha ng emergency flight para makalipad agad patungo sa Ilocos Norte dahil andito siya sa Metro Manila para dumalo sa mga sesyon ng Senado.

Sinabi ni Marcos, na agad na ikokordon ang sentro dahil may mga simbahan tulad ng sinking tower doon ang napinsala at may mga gusali na gumuho at hanggang sa ngayon ay nagbabagsakan pa ang mga bato at mga sala­ming bintana.

Habang may mga nasira rin mga gusali at simbahan sa bayan ng Sarat, at patuloy pa rin ang clearing operation sa mga pangunahing lansa­ngan sa Ilocos Norte.

Pinag-iingat naman ang mga disaster ­response team at mga taga Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil delikado pa ang mga sitwasyon dahil may mga bumabagsak pa na mga bato at may mga pumutok na mga transformer kaya brownout na doon.

Kabilang din  umano sa mga napinsala ng lindol ay ang Bantay bell tower, sa Sarat, ­Laoag  Bell Tower, mga bahay sa iconic na Vigan Calle Real, Sarat ­Heritage.

 

EARHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with