MANILA, Philippines — Humanda na ang mga mahihilig mang-ghosting o mang-abandona ng mga live-in partner at kasintahan dahilan may katapat na itong kaparusahan sa batas.
Ito’y sakaling mapagtibay ang kontrobersyal na House Bill (HB) 611 o ang “An Act Declaring Ghosting As An Emotional Offense “ na isinusulong ni 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie “ Teves Jr.
“In the age of social media and in today’s world, the realm of dating has changed exponentially compared to previous years. Now couples primarily communicate using their cellular phones and in turn used cellphone as an avenue for meeting and dating,” ayon kay Teves.
Aniya, kung sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police ang mga nag-AWOL sa serbisyo ay walang ipinag-iba sa ‘ghosting ‘sa ka-partner.
Nilinaw naman ni Teves na hindi dito kabilang ang mga insidente na nililigawan pa lamang ng mga lalaki ang mga babae.
“It refers to a situation wherein the parties live as husband and wife without the benefit of marriage and or romantically involve over time and a continuing basis during the course of a relationship,” ayon pa sa explanatory note ng panukalang batas ni Teves.
Ipinaliwanag ni Teves na kapag nag-ghosting ang ka-partner ay apektado ang emosyon, kaisipan at pisikal na kondisyon ng isang tao kaya dapat lamang maisabatas ang iniindorso niyang ‘Ghosting Law’.