PNP suportado ang mandatory ROTC, NSTP
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police Director for Operations PMGen. Valeriano De Leon na suportado nila ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP) sa mga kabataan na pagpapakita ng kanilang pagmamahal at malasakit sa Pilipinas.
Ang paniniyak ay ginawa ni De Leon matapos na ihayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na nais niyang ibalik ang mandatory ROTC at NSTP sa mga kabataang Filipino na layong sanayin at ihanda ang mga kabataan sa mga kalamidad at karahasan.
Ayon kay De Leon, mahalagang may sapat na kaalaman ang mga kabataan Pilipino sa pagharap sa mga sakuna kabilang pagputok ng bulkan at lindol. at pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.
Ang kasanayan sa ROTC at NSTP ay magbibigay din ng proteksiyon sa kanilang sarili at mga pamilya.
Natututo rin ang bawat kabataan ng ‘volunteerism’ sa kapwa upang ipagtanggol ang karapatan at bansa mula sa mga mapagsamantala.
- Latest