^

Bansa

DOH: COVID-19 cases posibleng higit 19,300 kada araw sa pagtatapos ng Agosto

Philstar.com
DOH: COVID-19 cases posibleng higit 19,300 kada araw sa pagtatapos ng Agosto
People queue outside SM City Sta. Mesa in Quezon City to register for the upcoming December 2022 barangay elections despite the light rainfall on Thursday, July 21, 2022.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nakikita ng Department of Health (DOH) na patuloy na tataas ang case trends ng COVID-19 sa Pilipinas, ngunit maaari pa raw mapababa ang projections kung darami ang nagpapabakuna, booster at sumusunod sa minimum public health standards.

Sinabi ito ng DOH matapos maitala ang 33% na pagdami sa COVID-19 cases sa nagdaang linggo, bagay na katumbas ng 19,536. Ito ang pinakamataas simula maabot ang 23,280 kaso noong Pebrero.

"Based on our latest projections and our current case trends, the number of detected cases at the national level are projected to be on a continuous uptrend, with an estimated 19,306 cases reported daily by August 31," wika ng kagawaran, Martes.

"However, with the improvement of vaccination and booster rates and MPHS compliance, case increase may be slower and more controlled at about 6,194 to 8,346 cases by the end of August."

Bagama't kinukunsidera raw nila ang COVID-19 case numbers sa pagtatakda ng alert level ng mga lugar, nagbibigay daw ngayon ang DOH ng mas malaking focus sa admission at hospital utilization rates.

Sa ngayon daw kasi, nag-advance na ang COVID-19 treatment at availability ng bakuna para labanan ang severe at critical diseases pati na ang kamatayan.

"[W]e now have the capability to reduce the vulnerable population and keep hospital utilization and fatalities to a minimum, dagdag pa nila.

"In line with this, the Department of Health reiterates the need to continue wearing of best-fitting face masks, isolating and informing our close contacts when sick, doubling-up protection via vaccines, and ensuring good airflow to control the spread of the virus."

Kung susundin daw ang mga nabanggit, maaasahan daw ang pagbaba ng mga COVID-19 cases.

Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong nakatakda nang magsimula ang karamihan sa mga face-to-face classes sa ika-2 ng Nobyembre.

Kahapon lang nang sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na gagawin ng gobyerno ang mga malawakang "lockdowns" kahit na nariyan pa ang banta ng pagtaas ng COVID-19 cases at pagpasok ng mas nakahahawang subvariants.

Aniya, kailangan daw kasing balansehin ang pangangailangan sa kalusugan, kapakanan ng taumnbayan at ekonomiya.

Papalo na sa 3.75 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa ngayon simula nang makapasok ito noong 2020 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 60,684. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with