^

Bansa

Bagong kaso ng COVID-19, tumaas ng 33%

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang bansa ng 19,536 bagong kaso ng COVID-19 na mas mataas ng 33 porsyento kumpara sa naitala noong nakalipas na linggo, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon.

Ito na ang pinaka­mataas mula makapagtala ng 23,280 kaso mula Pebrero 7-13, 2022.

Sa DOH bulletin, may average na 2,791 impek­syon ang bansa kada-araw mula Hulyo 18-24. Ito rin ang ikalawang sunod na linggo na may daily average ang bansa na higit sa 2,000 makaraang maitala ang 2,091 kaso ng sinundang linggo.

Sa kabuuan, nasa 666 o 8.7% ng mga pas-yente na nasa pagamu-tan ang nasa severe at critical condition. 

Nasa 587 o 21.7% ng 2,664 intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 ang okupado ng mga pasyente nitong nakaraang Linggo.

Nangangamba ang DOH na maaaring ang trend na ito ay magresulta ng pagtaas ng ICU admission sa Oktubre lalo na kung patuloy na hindi susunod ang mga Pilipino sa minimum public health standards at manatiling mababa ang booster rates.

Nabatid pa na 71 mil­yong Pilipino na sa bansa ang “fully vaccinated” ngunit nananatiling mababa sa 15.9 milyon ang nakatatanggap ng booster shots.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with