Marcos Jr. hindi ‘magtitipid,’ ‘magtatapon’ sa edukasyon; ROTC isinulong
MANILA, Philippines — Ipinangako ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address nitong Lunes na hindi magtitipid at hindi magtatapon ang kanyang administrasyon sa sektor ng edukasyon.
Iginiit ng pangulo na kailangan nang matapos ang mga bali-balitang hindi kalidad ang mga gamit pang eskwelahan na tinatanggap ng mga paaralan sa bansa.
“Ang edukasyon ay ang tangi nating pamana sa ating mga anak na hindi nawawaldas. Kaya anumang gastusin sa kanilang pag-aaral ay hindi tayo magtitipid. Hindi rin tayo magtatapon,” sinabi ni Marcos.
Nilinaw din ng presidente na hindi niya pinatutungkulan ang kasaysayan at ang mga bagay na tinuturo sa paaralan kundi ang mga kinakailangan ng estudyante at guro para sa epektibong pagtuturo sa panahon ngayon.
“Children now need connectivity to the internet; they need devices to use; they need computers and educational tools to participate fully in the digital community here and abroad,” dagdag ni Marcos.
Face-to-face classes
Naniniwala ang presidente na oras na para bumalik sa face-to-face classes
“The Department of Education (DepEd), led by our highly able Vice President Sara Duterte, is now preparing for its implementation in the upcoming school year, with utmost consideration for the safety of students, as we are still in the middle of the COVID-19 pandemic,” sinabi ni Marcos.
Ibinunyag din sa SONA na ang face-to-face classes ay isa sa dahilan kung bakit inutusan ng pangulo ang Department of Health (DOH) and the Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng isa nanamang booster shot rollout.
“We must ensure that our classrooms are safe for teachers, for students, and the entire academic community when they return to face-to-face classes. We continue to encourage everyone to get their booster shots in preparation for the resumption of in-person classes,” ani Marcos.
Sa gitna ng plano para bumalik ang mga estudyante at guro sa silid-aralan, nanawagan ang pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matugunan ang problema ng kondisyon at bilang ng mga magagamit na paaralan.
“Though some complications have arisen over the question of repair of school buildings in relation to the Mandanas-Garcia ruling, those will be ironed out.”
Ang Mandanas-Garcia ruling ay nagresulta mula sa petisyon ni Batangas Governor Herminaldo Mandanas at former Bataan Governor Enrique Garcia Jr sa Supreme Court tungkol sa hati ng mga local government units sa internal revenue allotment.
Long-term
Nabanggit din ni Marcos sa kanyang talumpati na nagkaroon na ng diskusyon tungkol sa pagpapatuloy ng K to 12.
“There have also been lengthy discussions on the continuation and viability of the K to 12 school system. We are giving this a careful review, and all necessary inputs and points of view are now being considered.”
Isinulong rin ni Marcos ang pagpapaaral muli sa mga guro upang hindi sila mapag-iwanan ng bagong teknolohiya.
“In the longer term, we are instituting a program of refresher courses and re-trainings for our teachers so they can stay abreast of the rapid growth in technology, especially in the post-pandemic world.” ayon sa presidente.
STEM at English
Pinahalagahan din ni Marcos ang mga international rankings at iginiit na kailangan ng Pilipinas na mas gumaling sa mga STEM subjects na Science, Technology, Engineering at Mathematics.
“These skills and this knowledge are necessary for our young people to be able to compete in a highly technological and competitive world,” sinabi ng pangulo.
Pinuri naman ng presidente ang husay ng mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles at sinabing ito ay isang kalamangan na kailangan nating gamitin.
“Foreign employers have always favored Filipino employees because of our command of the English language… Therefore, the question of our medium of instruction must be continuously re-examined to maintain that advantage that we have established as an English-speaking people,” sinabi ni Marcos.
“The raw talent is there in our young people. It is up to our educational system to develop and to refine that great pool of talent,” dagdag pa ng pangulo
Mandatory ROTC
Iminungkahi naman ng presidente sa SONA na itatag ang Mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP).
Ang inilulunsad na batas ay naglalayon na itaguyod muli ang ROTC program bilang isang pangangailangan para makapagtapos ang mga estudyante sa mga senior high school programs sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
“The aim is to motivate, train, organize and mobilize the students for national defense preparedness, including disaster preparedness and capacity building for risk-related situations,” iginiit ni Marcos.
Tinanggal ng RA 9163 o “National Service Training Program (NSTP) Act of 2001” ang mandatory ROTC matapos ang samu’t saring protesta para sa reporma nito.
Matatandaan rin ang pananawagan ni VP Duterte sa panunumbalik ng ROTC matapos niyang maitalaga bilang DepEd Secretary noong Hunyo. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz
- Latest
- Trending