^

Bansa

Pilipinas patuloy magiging 'friend to all, enemy to none' sa ibang bansa — Marcos Jr.

Philstar.com
Pilipinas patuloy magiging 'friend to all, enemy to none' sa ibang bansa — Marcos Jr.
President Ferdinand Marcos Jr. (center) mingles with attendees following his first State of the Nation address at the House of Representatives in Quezon City on Monday, July 25, 2022.
Aaron Favila via AFP/pool

MANILA, Philippines — "The Philippines shall continue to be a friend to all and an enemy to none" — ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kaugnay sa pagkakaroon ng bansa ng independent foreign policy at matibay na relasyon sa ibang bansa.

Sambit ng pangulo sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, magiging mabuting bansa ang Pilipinas na siyang laging makikipagtulungan sa ibang nasyon.

"The Philippines has always been open and welcoming to all our foreign friends and visitors. [W]e will be a good neighbor — always looking for ways to collaborate and cooperate with the end goal of mutually beneficial outcomes," wika niya.

"If we agree, we will cooperate and we will work together. If we differ, let us talk some more until we develop consensus. After all, that is the Filipino way."

Ani Marcos Jr., naniniwala siyang ang pangangailangan para sa matibay na ugnayan at pagtutulungan ng mga bansa ay lumalabas sa pinakamahirap na panahon tulad ng pandemya.

Dagdag pa niya, patuloy ding bubuo ng matibay na relasyon ang Pilipinas sa iba pang bansa.

"The partnerships and alliances that we make with all will provide the stability that all nations will need to emerge into the new global economy," sambit niya.

"The Philippines will continue to promote stronger and multi-faceted relationships with all our partners around the world."

‘Hindi padadaig’

Sa kabila ng pagbuo ng matibay na relasyon at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, binigyang-diin ng opisyal na hindi magpapadaig ang Pilipinas at pangangatawanan nito ang independent foreign policy ng bansa.

"I will not preside over any process that will abandon even a square inch of territory of the Republic of the Philippines to any foreign power," ani Marcos Jr.

"[W]e will not waver.  We will stand firm in our independent foreign policy, with the national interest as our primordial guide," giit pa niya.

Sa kabila nito, wala siyang binanggit na kahit na ano patungkol sa West Philippine Sea at kung paano niya ito balak patuloy na protektahan laban sa panghihimasok at pagkontrol ng Beijing.

Ikinasa ang unang SONA ni Marcos Jr. sa Batasang Pambansa, Quezon City kung saan inilatag niya ang kanyang mga plano para sa bansa sa susunod na 12 buwan.  — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BONGBONG MARCOS

CHINA

FOREIGN POLICY

SONA 2022

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with