^

Bansa

Paggamit ng palaka kontra dengue, pinalagan ng DOH

Philstar.com
Paggamit ng palaka kontra dengue, pinalagan ng DOH
Frog in a pond.
Image by NickyPe from Pixabay

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng palaka para mapigil ang mga kaso ng dengue sa mga komunidad.

Ito’y matapos makarating sa kanila ang ulat na nitong Sabado, nagpakawala ng nasa 100 palaka sa mga kanal at damuhan na posibleng breeding site ng mga lamok na may dalang dengue sa Sapang Kangkong, Barangay Old Balara sa Quezon City.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, maaaring makasira sa kalikasan at makasama sa tao o maging sa mga alagang hayop ang ganitong paraan.

“Maaaring makapag-pose ng health risk po ito dahil maaaring malason din ang ating mga kababayan, even their pets, yung mga aso at pusa,” ani Vergeire sa panayam sa Teleradyo, Lunes. 

Inaadvise naman ng DOH na dapat scientific solutions ang gamitin upang masugpo ang dengue. 

“This kind of practice po ay maaaring makasira ng ating ecosystem kasi invasive specie po itong tinatawag na mga palaka na pinapakalat na ito” dagdag pa ni Vergeire. 

Agad namang tinawag ng DOH ang atensyon ng mga lokal na opisyal para matigil ang nasabing proyekto.

Ayon pa kay Vergeire nasa 73,000 na ang naitatalang kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong taon. 

Kabilang sa top 3 regions na may mataas na kaso ay ang Region 2, Region 3 at NCR. 

Samantala patuloy naman ang DOH sa pagkalampag sa mga lokal na pamahalaan na gawin ang  4S strategy kontra dengue: 

  • Search and destroy mosquito breeding sites
  • Secure self-protection
  • Seek early consultation 

Support community fogging or spraying in high-case areas

Matatandaang noong 2019 mahigit 1,000 ang pinakawalang palaka sa kaparehong lugar sa Quezon City para mabawasan daw ang pagkalat ng mga mosquito-borne diseases tulad ng dengue. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

DENGUE

FROGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with