^

Bansa

Pangulong Marcos: Amerika mananatiling kaibigan, partner ng Philippines

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Amerika mananatiling kaibigan, partner ng Philippines
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on Friday (July 22, 2022) met with the Ambassadors-designate of the United States and Thailand, MaryKay Loss Carlson and Tull Traisorat.
Twitter/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mananati­ling kaibigan, partner at mayroong matibay na ugnayan ang Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ginawa ni Marcos ang pahayag nang matanggap niya ang mga kredensyal ni MaryKay Loss Carlson, US Ambassador to the Philippines, sa Malacañang noong Biyernes.

“To echo your commitment that the United States is committed to the Philippines, the Philippines is also committed to the United States, committed to the continuing relationship between our two countries in the many dimensions and the multi-faceted nature of our relationship between the US and the Philippines,” ani Marcos kay Carlson.

Sinabi ni Marcos na ang tradisyunal na ugnayan ng Pilipinas at US ay malalim at pangmatagalan.

Itinatag ng Pilipinas at US ang pormal na relasyong diplomatiko noong Hulyo 4, 1946, ang araw kung kailan natamo ng Pilipinas ang independent at sovereign state status.

Sinabi ni Marcos na mananatili ang Amerika bilang “kaibigan, kasosyo, at kaalyado” ng Pilipinas.

Ayon pa kay Marcos, sa harap ng pabago-bagong pandaigdigang sitwasyong pampulitika at pang-ekonomiya, ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kaibigang bansa kung saan ang pinakamatagal ay sa Estados Unidos ng Amerika ang inaasahan na magpapanatili sa katatagan hindi lamang ng bansa kundi pati na rin ng rehiyon at ng mundo.

Una nang inimbitahan ni US Pres. Joe Biden si Marcos na bumisita sa US.

Tiniyak din kay Marcos na magkakaroon siya ng “full diplomatic immunity” bilang pinuno ng estado, sa kabila ng matagal nang contempt order na pumi­pigil sa kanya na makapasok sa US.

vuukle comment

AMERIKA

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with