^

Bansa

Public school teachers, underpaid – Pulse Asia

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Public school teachers, underpaid – Pulse Asia
A teacher guides her pupils with their tasks as face-to-face classes resume at St. Mary Elementary school in Marikina City on June 20, 2022, Monday.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ng kalahati ng mga Pinoy na underpaid o mas mababa sa nararapat ang suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Batay sa latest survey ng Pulse Asia, 50 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang underpaid ang mga public school teachers, 37% ang naniniwalang ang mga guro ay may sapat na sahod, 3% din ang nagsabi na overpaid o lagpas pa sa nararapat at 10% ang hindi makapagsabi kung sapat o hindi.

Ang survey na kinomisyon ni Sen. Sherwin Gatchalian ay ginawa mula June 24-27 sa  1,200 Pinoy adults na tinanong ng face- to-face nationwide.

Ayon kay Gatcha­lian, napag-iiwanan ang Pinoy teachers kung ikukumpara sa suweldo ng kanilang counterpart sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Inihalimbawa niya ang Indonesia na P66,000 ang entry level pay ng mga guro samantalang P25,439 lamang dito sa Pilipinas.

Kung maitataas ang suweldo ng mga guro, maitataas din ang kanilang moral at mahihikayat ang mas maraming kabataan na kumuha ng kurso sa pagtuturo.

Dahil dito, kaya inihain niya ang  Senate Bill 149 o Teacher Salary Increase Act kung saan itataas ng dalawang antas ang ­salary grade ng mga guro.

Para sa teacher 1, ay itataas sa P29,798 o salary grade 13 ang tinatanggap ngayon na salary grade 11 o P25,439. — Angie dela Cruz

MALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with