^

Bansa

Nadiskubreng salagubang species ipinangalan sa 'Angat Buhay' ni Robredo

Philstar.com
Nadiskubreng salagubang species ipinangalan sa 'Angat Buhay' ni Robredo
Litrato ng mga water scavenger beetles na Anacaena angatbuhay at Anacaena auxilium
Released/Ateneo de Manila University

MANILA, Philippines — Inihayag ng Ateneo De Manila University na nakadiskubre ang ilang estudyante't faculty members nila ng dalawang bagong species ng water scavenger beetle — ang isa ay ipinangalan sa poverty alleviation program ni dating Bise Presidente Leni Robredo. 

Nadiskubre kasi kamakailan sa Ifugao ang bagong species na Anacaena angatbuhay ng Biology student na si Enrico Gerard Sanchez, kanyang thesis adviser na si Emmanuel Delocado at ang co-adviser na si Hendrik Freitag mula sa Department of Biology

Ang Angat Buhay ay isa sa mga programang itinulak ni Robredo habang nanunungkulan bilang bise. Nang siya ay bumaba sa puwesto, itrinansporma ito bilang isang non-government organization (NGO).

“The authors said the species is named to honor the program's outstanding and unparalleled service, especially during the pandemic,” ayon sa pahayag ng Ateneo Biodiversity Research Laboratory sa website ng unibersidad, Huwebes.

“Anacaena angatbuhay remained unnoticed by the world until its publication,” ani Delocado sa isang Facebook post. 

Ayon sa unibersidad, ang pangalawang species ay pinangalanang Anacaena auxilium bilang parangal sa Mary Help ng Christian High School Seminary sa Binmaley, Pangasinan na kung saan nagtapos ng junior high school si Sanchez. 

“The paper noted that help (auxilium in Latin) alludes to the need to pay attention to the vulnerable state of freshwater biodiversity in the Southeast Asian region,” paliwanag pa ng unibersidad. 

Sinabi ng Ateneo na kapansin-pansin ang pag-aaral ni Sanchez dahil isinagawa ito sa kasagsagan ng pandemya na gamit ang makabagong lab-at-home setup.

Nakalathala ngayon ang pag-aaral sa international scientific journal na ZooKeys na may pamagat na "Two new species of Anacaena Thomson, 1859 (Coleoptera, Hydrophilidae) from Northern Luzon, Philippines." 

Marso 2022 lang nang iulat na ipinangalan ng isang doktor ang isang pink orchid "hybird" kay dating VP Leni. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

ATENEO DE MANILA

BEETLE

BIOLOGY

LENI ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with