^

Bansa

National Disaster Resilience Month: ‘Klarong in-charge sa ­kalamidad, kailangan na’— Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Disaster Resilience Month, muling inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pangangailangan ng batas na magtatatag sa Department of Disaster Resilience (DDR) upang magkaroon ng klarong in-charge sakaling may mangyaring ‘di inaasahang kalamidad sa bansa.

Dahil karaniwan ang mga natural na sakuna at kalamidad sa bansa at ang mga paghihirap na idinudulot nito sa mga Pilipino ay lumalakas sa gitna ng pandemya, nanindigan si Go na kailangang pagbutihin ang diskarte tungo sa katatagan at kakayahang angkop sa mga paulit-ulit na natural na pangyayaring ito.

“Dahil sa dalas ng mga natural na kalamidad tulad ng mga bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan na tumatama at pumipinsala sa atin taun-taon, panahon na para tanggapin natin na ang ating bansa ay partikular na mahina sa mga nagbabantang kalamidad,” sabi ni Go.

“Samakatuwid, ang paghikayat sa isang kultura ng pagiging maagap at kakayahang angkop ay mahalaga upang matiyak ang kahandaan at kaligtasan ng mga Pilipino sa mga oras ng krisis,” diin niya.

Muling inihain ni Go sa 19th Congress ang kanyang panukalang Department of Disaster Resi­lience Act na naglalayong lumikha ng isang empo­wered, highly ­specialized at responsive DDR na magbibigay ng malinaw na iisang command at pangunahing responsable sa pagtiyak ng ligtas, adaptive at disaster-resi­lient na mga komunidad.

Sa kasalukuyan, ang mga ahensya ng gob­yerno na humaharap sa panganib ng kalamidad ay nakakalat sa ilang mga departamento at opisina at ang kasaluku­yang namumuno na National Di­saster Risk Reduction and Management Council ay gumaganap lamang bilang isang coordinating body.

DDR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with