^

Bansa

PACC, Office of the Cabinet Secretary binuwag ni Marcos!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang Executive Order No.1 na nag-uutos na buwagin ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ang Office of the Cabinet Secretary.

Nilagdaan ang unang kautusan noong mismong araw na nanumpa si Marcos sa tungkulin noong Hunyo 30.

Ipinaliwanag sa EO na magkakaroon ng reor­ganisasyon sa Office of the President at iba pang attached agencies at offices dahil sa “overlapping” ng official functions.

Kahapon lamang inilabas sa media ang kopya ng EO.

Binanggit din sa EO na sa gitna nang nararanasang health at fiscal crisis, kailangang maging maayos ang paglalabas ng pondo at alokasyon at gawing simple ang internal management at governance ng Office of the President.

Nakasaad din sa EO na ang PCAA na binuo noong 2017 ay may mga trabaho, kapangyarihan at jurisdiction na sakop din ng kapangyarihan ng Pangulo.

“Now, therefore, I, Ferdinand R. Marcos Jr., President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by law, do hereby order: The Presidential Anti-Corruption Commission is hereby abolished and its jurisdiction, powers and functions shall be transferred to the Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs,” nakasaad sa EO.

Binuwag din sa EO ang Office of the Cabinet Secretary kung saan ang kasalukuyang Cabinet Secretariat ay ilalagay sa ilalim ng direktang kontrol at pangangasiwa ng Presidential Management Staff.

Makasaad din sa EO No. 1 na dapat mayroong Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs, na nasa ilalim ng administrasyon ng Office of the Special Assistant to the President.

Ang mga tauhan na apektado ng abolisyon ng PACC at ng Office of the Cabinet Secretary ay payagang mag-avail ng mga benepisyong ibinibigay sa ilalim ng umiiral na batas.

Samantala sa ilalim naman ng EO No.2, inutos ni Marcos ang reorganisasyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na tatawagin ng Office of the Press Secretary.

CABINET SECRETARY

PACC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with