Bagong Lipunan, lumang barya: BSP nag-abiso vs 'Martial Law' coins na bago raw
MANILA, Philippines — Inilinaw ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Miyerkules na hindi sila naglabas ng bagong coin series matapos kumalat ang litrato ng mga diumano'y "bagong disenyo ng barya" sa social media.
Ayon sa pahayag ng BSP, ang mga kumalat na mga larawan ay mula sa “Ang Bagong Lipunan” coin series na inilabas ng bangko sentral noong 1975. Simula 1998, "demonetized" o hindi na tinatanggap bilang pambayad ang mga ito.
"The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) informs the public that it has not released a new Philippine coin series," sabi ng BSP kanina.
"Some images of coins circulating on social media are part of the 'Ang Bagong Lipunan' coin series issued by the central bank in 1975, and demonetized in 1998. Demonetized coins are no longer accepted as payment for goods and services."
Ang naturang coin series ay inilabas noon ng Central Bank of the Philippines sang-ayon sa Presidential Decree No. 168, bagay na sumisimbulo sa "Bagong Lipunan" na inilalako ni Marcos Sr. noong panahon ng diktadurya sa ilalim ng Martial Law.
Ang New Generation Currency coins na inilabas noong 2018 ay ang pinakabago at ang nasa sirkulasyon na mga barya ngayon. Mas mahirap daw pumeke ng NGC coin dahil sa taglay nitong mga bagong security features.
“The New Generation Currency (NGC) is the latest legal tender coin series released by the BSP. The NGC coin series composed of the 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, and 1-Sentimo were launched in March 2018, while the 20-Piso and enhanced 5-Piso were introduced in December 2019. The NGC coins are significantly more difficult to counterfeit due to their stronger security features” dagdag pa ng BSP.
Nagbabala rin sila sa publiko na huwag mabilis maniwala sa mga bali balitang kumakalat sa social media tungkol sa mga perang papel at barya. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz at may mga ulat mula sa The STAR
- Latest