^

Bansa

Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%

James Relativo - Philstar.com
Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%
File photo ng gasoline boy na may hawak na bayad ng isang motorista
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Naitala nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito'y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo'y pinakamataas simula noong Nobyembre 2018.

"Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay bumilis sa antas na 6.1% nitong Hunyo 2022," ayon sa pahayag ng PSA, Martes.

Ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hunyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 6.0% inflation at 58.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa."

Labis-labis pa rin ito sa 2-4% na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Dahil dito, tumuntong na sa 4.4% ang average inflation mula Enero 2022 hanggang Hunyo 2022.

Huling mas mataas ang inflation noong Nobyembre 2018, kung kailan umabot ito sa 6% na siyang labis na nagpataas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ang pangalawang commodity group na nagpakita ng mas mataas na inflation noong nakaraang buwan ay ang sektor ng transportasyon, na may 17.1 inflation at 31.7% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

"Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Gasoline, na may 53.9% inflation; Other Passenger Transport by Road, tulad ng pamasahe sa jeep, na may 2.7% inflation; at Diesel, na may 92.5% inflation," patuloy pa ng PSA.

Matatandaang lumobo sa lagpas P80 hanggang P90/litro ang presyo ng gasolina noong Hunyo. Sa monitoring ng Department of Energy noong buwang 'yon, umabot na sa P30/litro (gasolina), P45.9/litro (diesel) at P39.75/litro (kerosone) ang year-to-date adjustments.

Sa tuwing tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, kalimitang tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kailangang i-transport sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

Dahil dito, Hunyo lang nang sabihin ng transport group na PISTON na isa sa limang tsuper ng jeep na ang naka-tigil pasada, lalo na't nasa P200 hanggang P300 na lang daw ang naiuuwi nilang kita sa araw-araw.

Kaugnay nito, humirit tuloy ng P2 dagdag sa minimum pasahe sa jeep ang mga tsuper, dahilan para maaprubahan ang nasa P11 provisional na pasahe sa buong Pilipinas.

Sa kabila nito, bumaba naman ng P3/litro ang presyo ng diesel ngayong araw matapos ang limang sunod na linggo ng pagtataas.

Ang lahat ng ito ay natataon sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar, na siyang pinakamababa sa mahigit 16 taon noong nakaraang buwan. Kadalasang epekto ng peso depreciation ang mas mataas na halaga ng foreign goods ang services sa mga Pilipino gaya na lang iniaangkat na langis.

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

COMMODITIES

FARE HIKE

INFLATION RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

PRICE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with