^

Bansa

Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices
Vice President Sara Duterte on Saturday opened satellite offices in Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), and Tandag, Surigao del Sur (Region XIII) for the citizens to have easier access to the Office of the Vice President.
Facebook/Sara Duterte

MANILA, Philippines — Nagbukas ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.

Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP sa­tellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao del Sur.

Kumpiyansa ang bise presidente na sa tulong ng mga natu­rang satellite offices, madaling maipapaabot ng publiko sa kanyang tanggapan ang anumang problema o concerns upang kaagad na maaksiyunan ang mga ito.

“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” ayon pa kay Duterte-Carpio, na siya ring nagsisilbing kalihim ng Department of Education (DepEd).

Una nang napaulat na maayos ang idinaos na transition sa pagitan ng kampo nina da­ting Vice President Leni Robredo at Duterte-Carpio.

Ipinauubaya naman ni Robredo sa bagong bise presidente kung ipagpapatuloy nito ang kanilang mga progra­mang napasimulan.

OFFICE

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with