^

Bansa

Proseso ng pag-ampon mas pinadali; 'di lang mayayaman pwede mag-adopt — Poe

Pilipino Star Ngayon
Proseso ng pag-ampon mas pinadali; 'di lang mayayaman pwede mag-adopt — Poe
Hands of infant and guardian.
Image by Rebecca Scholz from Pixabay

MANILA, Philippines — Nilagdaan na nitong Martes, Hunyo 29, ang Republic Act 11652 o ang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act of 2022 na siyang layong padaliin ang proseso ng pag-aampon sa bansa.

Sa ilalim ng naturang batas, hindi na dadaan pa sa Korte ang proseso ng pag-aampon dahilan para mas maging madali at mabilis ito para sa mga magulang.

Ani Senadora Grace Poe, "milestone" na maituturing ang pagsasapinalisa ng naturang probisyon para masiguro ang "best interest and future" ng kabataan.

"By removing the judicial phase, we have shortened the procedure, making it less tedious and less costly. By creating an adequately staffed one-stop-shop on alternative child care, all applications will be handled more efficiently and effectively," sambit ng senadora na isa sa co-authors ng nasabing panukala.

Pagbibigay-diin ng opisyal, kahit sino naman ay maaaring mag-ampon basta't may kapabilidad ito.

"Hindi lang puro mayayaman lang ang pwede mag-adopt. Basta naman may nagmamahal na pamilya na nagsisikap, pwede naman din mag-adopt ng bata," sambit ng opisyal na ampon anak nina National Artist Fernando Poe Jr. at beteranang aktres na si Susan Roces.

P5,000 para sa petition ng domestic adoption

Ayon kay Undersecretary Glenda Relova ng National Authority for Child Care, nasa P5,000 lang ang gagastusin ng sinumang balak mag-ampon para sa paghahain ng domestic adoption.

"Kami sa NACC at DSWD (Department of Social Welfare and Development) is almost comparable with the amount ng pina-file natin sa court, around P5,000 sa domestic adoption," pahayag niya.

Aniya, ang magiging pinakamalaking gastos ng magulang ay ang pag-publish ng petition.

"If they want [an] [e]xpert na magpa-process ng papel nila katulad ng ating mga child basic agencies, doon meron silang minimal fee para mag-asikaso or mag-follow up ng kanilang process, yun na yung whole adoption process," paliwanag ni Relova.

Bukod dito, kakailanganin din aniyang sumailalim sa psychological test ang mga nais mag-ampon upang masiguro ang kaligtasan ng bata.

"Aside from the documentary review, nandoon yung assessment ng capability ng ating mga magulang hindi lamang financially, as well as psychologically, [h]olistically, yung kanilang kapasidad to support yung kanilang manifestation ng pag-aadopt,” sambit niya.

"[M]eron din silang comprehensive psychological report na kinakailangan which [is] an additional requirement mula doon sa dati nating adoption requirements," dagdag pa niya.

Sa ngayon, patuloy ang DSWD katuwang ang NACC sa pag-aasikaso ng iba’t ibang adoption cases tulad ng bagong petisyon sa administrative adoption, bagong aplikasyon para sa adoptive parents sa Regional Alternative Child Care Office at child-placing agencies, atbp. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

ADOPTION

GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with