^

Bansa

Otoridad nakiusap: 'Wag magsunog ng effigy sa Marcos Jr. oath-taking; ‘no permit, no rally’ tuloy

Philstar.com
Otoridad nakiusap: 'Wag magsunog ng effigy sa Marcos Jr. oath-taking; ‘no permit, no rally’ tuloy
Militant groups burn an effigy of President Rodrigo Duterte dubbed as "Duterte Shokoy" during their protest rally along Commonwealth Avenue near the Batasan Complex in Quezon City, July 22, 2019.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Nakiusap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga raliyistang 'wag nang magsunog ng effigy sa mga protesta sa panunumpa bukas ni president-elect Ferdinand Marcos Jr., ito habang idinidiin ng Philippine National Police (PNP) ang polisiyang "no permit, no rally."

Ito ang idiniin ng otoridad bago ang gaganaping inauguration ni Bongbong sa National Museum, na siyang babantayan ng 18,000 pulis, sundalo at coast guard personnel.

"‘Yong pagsusunog ng effigy, hindi natin ine-encourage ‘yan. May mga violation na rin ng batas ‘yan eh katulad ng Clean Air Act, at ang sabi naman natin peaceful assembly," wika nitong Martes ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang press briefing.

"Importante na ipahayag ninyo ang inyong expression, ‘yong inyong sentiments. 'Yon naman ang purpose bakit ka pa maggagawa ng ibang mga activities doon?"

Karaniwang may isinasagawa ito ng mga militante upang ipakita ang kanilang disgusto sa pamamalakad ng gobyerno, bagay na hindi naman talaga napipigilan ng pulisiya nitong mga nagdaang panahon.

Ayon naman sa PNP, maaaring magsagawa ng kilos-protesta ngunit sa mga freedom park na itinakda ng Manila Police District (MPD) tulad ng Plaza Miranda, Plaza Moriones at Liwasang Bonifacio.

"Ang mahalaga dito [s]umunod tayo sa panuntunan. Wala silang [s]isiraing kagamitan ng gobyerno, pribado man at walang ma-o-obstruct na daloy ng trapiko," pahayag ni MPD PIO Chief P/Maj. Philipp Ines, sa ulat na inilabas ng GMA ngayong Miyerkules..

Sabi naman ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan, magkakasa sila ng kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio at wala namang kaguluhang magaganap.

"[S]ila [gobyerno] ay gagawa ng hakbang para pigilan ang kaguluhan pero sa totoo lang, wala namang kaguluhan sa bahagi namin. Sana kinakausap nila yung mga organizers," ani Renato Reyes, secretary general ng grupo.

Anang kapulisan, paiiralin naman nila ang “maximum tolerance” ngunit maaari pa rin itong mauwi sa arestuhan kung magsasanhi na ito ng "disturbance" sa publiko.

"’Pag sila ay naging unruly at nag-cause na ng disturbance sa ating mamamayan, cause yan para pagsabihan sila at kung hindi pa sila madala sa pakiusap, magkaroon tayo ng arestuhan," sambit ni MPD Chief Police BGen. Leo Francisco.

Alinsunod ang mga nasabing kautusan ng PNP sa Batas Pambansa 880 o "The Public Assembly Act of 1985,"  na siyang pumoprotekta sa constitutional rights ng publiko para magsagawa ng mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon sa pamahalaan para sa pagtugon sa mga hinaing sa Estado.

Batay sa batas, maaaring magsagawa ng "Public Assembly" (rally, martsa, o parada) sa mga "Public Place" tulad ng abenida, kalsada, tulay o anumang open space kung saan pinapayagan makapasok ang publiko.

Matatandaang nitong Mayo nang sabihing mahigpit na ipatupad ni outgoing Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang "no permit, no rally" sa Maynila.

Batay sa memorandum na ibinaba ng alkalde sa mga awtoridad, “strictly enforced” dapat ang naturang batas sa kanyang lungsod.

Ito ay matapos magsagawa ng kilos-protesta ng mga aktibista at progresibong grupo sa harap ng Commission on Elections sa Intramuros kaugnay sa naging resulta ng Eleksyon 2022 kung saan nanguna si president-elect BBM.

Una nang nanumpa sa parehong venue bukas ang mga dating pangulo ng bansa gaya nina Manuel Quezon, Jose Laurel at Manuel Roxas. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BONGBONG MARCOS

DILG

NATIONAL MUSEUM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with