Mandatory face mask, palawigin – Duque
MANILA, Philippines — Irerekomenda ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III sa papalit na administrasyon ang pagpapatuloy ng polisiya ng paggamit ng face mask ng publiko habang nasa labas ng bahay.
“I will recommend that it should be extended because there’s already an increasing number of cases,” saad ni Duque.
Bukod kasi sa COVID-19, makakatulong din ang face mask laban sa ibang sakit tulad ng monkeypox, influenza, bacterial pneumonia, at asthma.
“So dapat ipagpatuloy na lang dahil maraming value add naman ang masking. Hindi lang laban sa COVID-19. Maraming laban sa influenza, bacterial pneumonia, ang dami pang mga sakit,” paliwanag ng kalihim.
Nananatili ang paggamit ng face mask ng taumbayan sa mga pampublikong lugar hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino sa Hunyo 30.
Umaasa rin si Duque na magiging bukas ang susunod na administrasyon sa polisiya ng COVID-19 vaccination na may eksempsyon.
Naniniwala siya na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID ay dahil sa hindi na pagsunod ng mga tao sa minimum health standards, hindi pagpapaturok ng booster shot, at pagdating sa bansa ng Omicron subvariants.
- Latest