^

Bansa

Halaga ng piso vs dolyar pinakamababa sa mahigit 16 taon

Philstar.com
Halaga ng piso vs dolyar pinakamababa sa mahigit 16 taon
File photo ng palitan ng dolyar sa piso
The STAR / Miguel de Guzman, File photo

MANILA, Philippines — Sumadsad sa pinakababa nitong halaga sa halos dalawang dekada ang Philippine Peso matapos magsara ang palitan nito sa dolyar sa P54.47, ayon sa Bloomberg, Miyerkules.

Ito ang pinakamababang halaga nito sa palitan simula ika-21 ng Nobyembre taong 2005 noong umabot ito sa P54.74 kontra dolyar.

Matatandaang umabot sa "all-time high" ang utang ng Gobyerno ng Pilipinas sa P12.76 trilyon noong Abril, bagay na naapektuhan na noon ng paghina ng piso kontra dolyar.

Nangyayari ito ngayong inaasahang taaasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rates sa Huwebes para labanan ang inflation gamit ang 50-basis-point hike.

Anong epekto nito sa karaniwang Pinoy?

Ang datos na ito ay pabor para sa mga overseas Filipinos na nagpapadala ng dolyar sa kani-kanilang pamilya, lalo na't nangangahulugan ito ng mas malaking halaga kapag ipinapalit na sa piso.

Sa kabila nito, tila nababalewala ito ng nagtataasang presyo ng bilihin bunsod ng 5.4% na inflation rate, ang pinakamataas simula Nobyembre 2018.

Una nang sinabi ni Gerard Sicat, Emeritus Professor of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas, na nagbubunsod ang peso depreciation ng mas mahal na halaga ng foreign goods and services sa mga Pilipino.

"For instance, if one is traveling to other countries, the cost of travel (in local peso terms) becomes more expensive: airline tickets , accommodations, meals, all purchases abroad," sabi niya sa isang kolum sa The STAR noong 2016.

"Hence, a peso depreciation has the effect of discouraging the purchase of imports. Essential imports would still be bought, however, but now at higher peso costs." 

Kahit na manatili sa parehong halaga sa dolyares ang crude oil halimbawa, mangangahulugan ito ng mas malaking halaga ng piso para maipasok ito ng Pilipinas para magamit ng mga Pilipino.

Para naman sa mga banyaga, magiging mas mura ang halaga ng mga produktong ibebenta natin sa kanila. 

"Domestic inflation is a likely outcome of exchange rate depreciation, however. This results from the likelihood that local prices of goods — both home produced and foreign-bought would rise in prices," patuloy pa ni Sicat. 

"However, the price impact of the peso depreciation could be neutralized or reduced by a combination of policies — tax, spending, and other sector economic policies."

Nangyayari ito kasabay ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, na siyang nagpataas ng presyo ng bilihin at nagpaliit nang husto sa kita ng mga tsuper sa pampublikong transportasyon. — James Relativo at may mga ulat mula sa ONE News

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BLOOMBERG

DEPRECIATION

DOLLAR

ECONOMY

INFLATION

PESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with