^

Bansa

100% face-to-face classes target simulan sa Agosto, ani next DepEd chief Sara Duterte

Philstar.com

MANILA, Philippines — Puntirya ngayon ng susunod na Department of Education secretary Sara Duterte, na vice-president elect din, na maibalik ang "full face-to-face classes" sa susunod na buwan, kahit na naitatala ang pinakamatataas na COVID-19 cases sa nakaraang dalawang buwan.

"We are targeting that [100% face-to-face classes by August]," wika ni Inday Sara sa isang press conference, Lunes.

"Yes of course [I am planning to meet stakeholders like teachers and parents groups regarding face-to-face classes]... I will take that klase ng pagtatrabaho doon sa Department of Education."

Kanina lang nang sabihin ng Department of Health (DOH) na nagsimula nang mag-"peak" sa bilang ng COVID-19 infections, lalo na't tuloy-tuloy ang pag-akyat nito lalo na sa Kamaynilaan.

Huwebes nang umabot sa 425 ang bagong COVID-19 infections, na sinasabing pinakamarami simula noong ika-3 ng Abril. Sa kabila nito, malayong-malayo pa ito sa "tens of thousands" na daily COVID-19 cases noong 2020, 2021 at maagang yugto ng 2022.

Miyerkules naman nang sabihin ng DOH na posibleng umabot sa 4,800 ang COVID-19 hospitalizations sa susunod na buwan kung mababawasan pa ang susunod sa health protocols at kokonti ang nagpapaturok ng booster shots laban sa virus.

Bukas din naman daw ang kampo ni Inday Sara na taasan ang sweldo ng mga guro, ngunit ginawan na raw ito ng paraan ng kanyang ama.

"Titignan natin kung paano natin ma-push 'yon from kung ano ang mga accomplishments galing sa administration ngayon," tuloy pa niya.

"The Duterte administration [my father] did something about that."

Dismayado ngayon ang ilang grupo gaya na lang ng Alliance of Concerned Teachers sa termino ni outoing DepEd Secretary Leonor Briones, lalo na't ilang taon na nilang ipinapanawagan na ibigay ang Salary Grade 15 sa mga entry-level na mga guro.

Linggo nang manumpa bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas si Sara, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa Davao City kung saan siya ang outgoing na alkalde. — James Relativo

CLASSES

DEPARTMENT OF EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

SARA DUTERTE

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with