^

Bansa

'Basta Tagalog': Robin Padilla ready makipag-debate sa Senado

Philstar.com

MANILA, Philippines — Handang-handa na, 100%, ang bagitong action-star-turned-senator-elect na si Robin Padilla na gampanan ang trabaho bilang senador — pero wikang Tagalog at hindi Inggles ang kanyang gagamitin tuwing debate.

Matatandaang nakakuha si Robin ng pinakamataas na boto para sa pagkasenador sa nakaraang 2022 elections, at siyang magiging chair ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

"Ah oo, [makikipag-debate ako], pero Tagalog. Eh una, hindi naman Amerikano 'yung mga kaharap ko, alangang mag-English ako," sabi ni Binoy, Martes, matapos dumalo sa legislative briefing ng Senado bago ang pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo.

"Siguro kung Amerikano [kaharap ko], 'Well, I'm willing to debate.' Pero mga Tagalog sila eh."

Bagama't Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas sa 1987 Constitution, na kailangang palaguin gamit ang iba't ibang wika sa Pilipinas, Inggles ang gamit nang marami tuwing nasa mga pulong at pagdinig ng Senado at Kamara. Karamihan sa mga salita nito sa ngayon ay hango sa Tagalog.

Taong 2018 lang nang maging kontrobersyal ang "Bad Boy ng Pelikulang Pilipino" matapos pilitin ang isang Koreanong contestant sa "Pilipinas Got Talent" na magsalita ng Tagalog on-air kahit hindi marunong ang banyaga.

Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Padilla ngunit kilalang outspoken tungkol sa kanyang mga paniniwalang pulitikal, gaya na lang ng pagsuporta niya sa madugong "War on Drugs" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Ah lahat madali [paghahanda ko bilang chair ng Senate Committee on Constitutional Amendments]," dagdag pa ni Robin pagdating sa panibagong yugto ng kanyang karera.

"Naninibago lang ako. Summa cum laude ako sa cutting classes noong araw eh. Ngayon ako na ang naghahanap ng gagawin."

"Mabigat 'yun kung 'di mo alam ang gagawin mo. Ako naman alam ko naman ang gagawin ko. Andyan yung abugado na magguide sa atin."

Una nang pinayo ni outgoing Sen. Franklin Drilon na dapat mag-aral nang husto si Robin lalo na't hindi magiging madali ang kanyang trabaho.

Dati nang sinabi ni incoming senator Raffy Tulfo na kukuha siya ng kurso sa Public Administration para maghanda sa kanyang posisyon sa Senado. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEBATE

ROBIN PADILLA

SENATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with